SINASABING more or less, lusot na sa lower house iyong panukalang divorce law. Pero sinasabi naman ni Senador Tito Sotto na wala pang mapag-uusapang ganyan sa senado dahil wala pa namang naghaharap ng kagayang bill. Kung makapapasa iyan sa Kamara, kailangan din ng isa pang bill na ipapasa rin ng senado para maging batas.
Ngayon pa lang, pinag-uusapan na. Kung magkakaroon kaya ng diborsiyo, may mga artista bang agad na papasok doon?
“Ako talaga, first day ng effectivity magpa-file na talaga ako ng divorce. Ayoko sana as a Christian pero ang bagal talaga ng annulment, lalo na sa kaso ko na pinahihirapan ako ng dati kong asawa na hindi ko naman alam kung bakit eh talaga namang hindi na kami magkakasama ulit. Mas marami kasing grounds ang divorce na parang mas madali kaysa mahigpit na annulment law,” sabi sa amin ng isang aktres.
May isa ring actor na nagsabing maghaharap din siya ng petition for divorce, dahil iniipit din siya ng nanay ng anak niya na nagkamaling pinakasalan niya noong araw.
HATAWAN!
ni Ed de Leon