Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Panaginip mo, Interpret ko: Ayaw mag-alaga pero nanaginip na pinaliligiran ng mga aso

Hi Señor H,

Magandang hapon po! Nais ko po ipa-interpret ang aking panaginip, lagi po akong nanaginip ng aso, mga aso. Ako po ay walang alagang aso, at wala rin po akong hilig o balak n mag-alaga ng aso, kya kpag na­naginip po ako nkapaligid sila sa akin, ­natatakot po ako, malalaki pero sa kabutihang palad, hindi naman nila ako kinakagat. Nais ko po malaman kung anu po b ang ibig sabihin nun? Gumagalang, Lea Chico (09279374397)

 

To Lea,

Ang aso sa panaginip ay simbolo ng intuition, loyalty, generosity, protection, at fidelity. Ito ay nagsa-suggest na ang iyong strong values at good intentions ay magi­ging susi ng iyong pag-usad at tagumpay.

Alternatively, ito ay maaari rin namang nagsasaad ng ukol sa talentong iyong binabalewala o kinalimutan na. Sakali namang ang aso ay mabagsik at umuungol, ito ay nagpapakita ng ilang inner conflict sa iyong sarili.

Maaari rin naman na ang panaginip mo ay nagsasaad ng betrayal at untrustworthiness. Posible rin na ito ay nagpapakita na nawala o nawawala ang iyong kakayahan upang balansehin ang ilang aspekto ng i­yong buhay. Maaaring ito ay bunsod ng iyong agam-agam upang harapin ang bagong sitwasyon o kaya naman, wala kang interes o kagustuhang umabante tungo sa iyong mithiin.

Alternatively, maaari rin naman na ito ay sagisag ng disloyalty para sa ilang mala­lapit sa iyo na hindi mo pa pala talagang lubos na kilala. Dapat mo rin pahalagahan ang malalapit sa iyo na may pakinabang ka at may mabuting naidudulot para sa iyong interes o kapakanan.

Kapag sa bungang-tulog mo ay takot na takot ka o natakot ka, nagsasabi ito na ang iyong hinahangad na tagumpay ay maaa­ring hindi matupad na tulad ng iyong inaasahan. Maaaring nagpapakita rin ito na ikaw ay nakararanas ng anxiety sa iba’t ibang aspekto ng iyong buhay. Ikaw ay natatakot na harapin ang unknown na aspekto ng iyong sarili. Ang susi upang malagpasan ang iyong takot ay harapin ito at pag-usapan nang malaya mula sa mga taong malalapit sa iyo at mapagkakatiwalaan mo nang lubusan.

Dapat magkaroon ka ng tiwala sa sarili at mag-focus sa mga mithiin sa buhay.

Señor H.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

44th Grand Marian Procession sa Intramuros sa 7 Disyembre

44th Grand Marian Procession sa Intramuros sa 7 Disyembre

ni TEDDY BRUL INAASAHAN  na mahigit 100 imahen ng Birheng Maria mula sa iba’t ibang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

PCSO MMDA Patient Transport Vehicles PTV

Patient Transport Vehicles (PTVs) inihandog ng PCSO  sa Metro Manila 17 LGUs

LAHAT ng 17 lokal na pamahalaan sa Metro Manila ay nakatanggap ng tig-isang Patient Transport …

Araneta City

Happenings in Araneta City (Dec. 3 to 10, 2025)

We are pleased to share with you the list of events and activities in Araneta …

Pizza Hut Ultimate Cheesy 8 Pizza

The Ultimate Cheesy 8 Pizza is Pizza Hut’s cheesiest creation yet
Made with 8 cheeses, this festive number is bound to be the centerpiece of any celebration

When it comes to the Filipino holiday spread, no other ingredient is as joyful and …