Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kevin Durant Damian Lillard golden state warriors portland trail blazers

Warriors, silat pa rin kay Lillard, Blazers (Sa kabila ng 50 puntos ni Durant)

HINDI pa rin sumapat ang 50 puntos ni Kevin Durant upang maiwasan ng kanyang koponan na Golden State ang ngitngit ni Damian Lillard at ng Portland.

Pinantayan ni Lillard ang lakas ni Durant sa pagtarak ng 44 puntos at 8 assists u­pang makompleto ng Trail Blazers ang pagsilat sa nag­dedepensang kampeon na Warriors, 123-117 sa umiinit na 2017-2018 National Basketball Association kahapon.

Bunsod nito, umangat na sa .500 ang marka ng Blazers na may 32-26 kartada papasok sa All Star break.

Nagdadag ang katambal ni Lillard na si CJ McCollum ng 29 puntos gayondin si Jusuf Nurkic ng 17 puntos at 13 rebounds ngunit hindi na tinapos ang laro bunsod ng low back soreness at right calf strain.

Nagdagdag ng 7 rebounds at 6 assists si Durant para sa Warriors ngunit tanging ang 16 puntos at 12 rebounds lamang ni Draymond Green ang nakuhang suporta tungo sa pagbagsak nila sa ikalawang puwesto sa West sa likod ng Houston bunsod ng 44-14 kartada.

Tatangkaing bumalikwas ng Warriors kontra sa Los Angeles Clippers sa 22 Pebrero sa Oakland habang bibisatahin ng Blazers ang Utah Jazz sa 23 Pebrero.

ni John Bryan Ulanday

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Bryan Ulanday

Check Also

FIFA Futsal

Apat na higante magsasagupaan; FIFA Futsal Women’s World Cup lalo pang umiigting

MGA LARO SA BIYERNES(PHILSPORTS ARENA)6 P.M. – ARGENTINA VS PORTUGAL8:30 P.M. – SPAIN VS BRAZIL …

PAI Philippine Aquatics Buhain

PAI, positibo sa laban ng PH aquatics squad para sa Bangkok SEAG

PUNO ng kumpiyansa ang Philippine Aquatics, Inc. (PAI) sa pagpapadala nito ng isang bata ngunit …

UAAP DLSU NU

DLSU panalo sa NU

TINALO ng De La Salle University ang may twice-to-beat advantage na National University, 87-77, nitong …

Bambol Tolentino Alexandra Eala Bryan Bagunas

Eala, Bagunas napiling flag bearer ng Team PH sa 33rd SEA Games sa Bangkok

IPINAHAYAG ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino ang pagpili sa dalawa sa …

ArenaPlus Gilas Pilipinas

ArenaPlus and Gilas Pilipinas team up for the upcoming FIBA World Cup Asian Qualifiers

ArenaPlus renews its sponsorship with Gilas Pilipinas, ahead of the 2027 FIBA World Cup as …