Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ina Alegre, inakap na ng todo ang pagiging public servant

NAKIPAG-DINNER sa amin at ilang  media friends ang Vice-Mayor ng  Pola, Mindoro na si Ina Alegre.

Narito rin siya sa Maynila para asikasuhin ang idaraos na debut ng kanyang second daughter na si Jemimah. Kaya nakikipag-usap sila sa isang event planner.

Kuwentuhang kumustahan lang.

Solid pa rin ang kanyang relasyon sa kanyang partner na sa kung saan-saang panig din ng bansa nadedestino. And five months ago, itinalaga ito para sa pangangalaga sa kapayapaan ng Tacloban, Leyte.

LDR! Hindi ba mahirap ang long-distance relationship lalo sa panahong ito?

“Trust and love. And respect. Sa mula’t mula, ganoon namin inalagaan ang relasyon namin. Kaya inaayos din namin ang schedule namin para may time kani sa isa’t isa, pati sa mga bata. Ako naman Lunes, kailangan sa flag ceremony. Until Wednesday naroon ako. ‘Pag Thursday hanggang Sabado if needed dito sa Manila Sunday balik na sa Pola.”

Niyakap na ni Ina ng todo ang pagiging public servant. Kaya, hindi malayong sa pagtatapos ng kanyang termino eh, tumakbo pa sa mas mataas na posisyon.

At sa mga gaya niyang halal ng bayan, natanong siya kung ano ang maipapayo sa mga hindi man halal ay itinalaga naman sa kanilang mga posisyon.

“Para sa amin na mga artista, lalo na malaking factor ‘yun dahil nakilala na kami ng mga tao. Ibig sabihin kaya mo, kaya dapat lang na inaalagaan mo rin ang responsibilidad na iniatang sa ‘yo. Ang artista kasi, malakas na ang loob. 

“With regards kay Mocha, tatagan niya lang ang loob niya. Less talk, less mistake. Tinitingala ka ng tao. Kailangan i-gain mo ang respect nila. Ang bashers parte na ngayon ng buhay natin. Kaya dapat alam din natin kung paano sila harapin.”

Sexy at maganda pa rin si Vice-Mayor. May isang pageant din sa labas ng bansa na kinilala siya sa value niya bilang isang ina at asawa.

Hindi mo siya matutukoy sa pakikihalubilo niya maya’t maya sa mga gaya niyang pasahero ng RoRo na paroo’t parito sa kanyang bayan. Simple lang kasi siya. Mapapansin ang simpleng kagandahang ‘yun pero aalalahanin mo kung saan mo nga na siya nakita na.

Ito ang maganda sa kanya. Hindi nakakalimutang lingunin ang mga nahing kaibigan niya sa mundo ng entertainment. Tsikahan nga lang, okay na!

HARDTALK
ni Pilar Mateo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Gerald Anderson

Gerald umamin may mga pagkukulang kay Julia kaya naghiwalay

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAHANGA-HANGA ang ginawang pag-amin ni Gerald Anderson na may pagkukulang siya kay Julia Barretto kaya …

Jessy Mendiola Luis Manzano

Luis at Jessy puno ng pasasalamat ngayong 2025 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MATAPOS ang isang matagumpay na taon para kina Jessy Mendiola at Luis Manzano, nagpasalamat …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …