Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Music, naunang minahal ni JC

HINDI halatang nagdurugo ang puso ni JC Santos (kakahiwalay sa girflriend) sa nakaraang launching ng Star Music New Artists kamakailan dahil parati naman siyang nakangiti at naka-focus naman siya sa mga tinatanong sa kanya ng entertainment media.

Kasi naman ang ganda ng takbo ng career ni JC.

Kasama si JC sa ibang artists na ini-launch ng Star Music tulad ng Agsunta Band, Migz Haleco, Natsumi, at ang Duo na sina Gab at Miko.

Bago ginanap ang launching ay pumirma ng kontrata si JC sa Star Music kasama ang head na si Roxy Liquiganat album producer na si Jonathan Manalo.

Kaya sa supporters ni JC, abangan siya sa Pebrero 18, Robinson’s Place Manila para sa album launching niya na ang mga nakapaloob na awitin ay Hindi Pa Rin, Is It Okay, If I Call You Mine, Kasalanan, Jealous,at ang carrier song na Pwede Naman. 

Parehong nag-e-excel sa pag-arte at pagkanta si JC kaya tinanong siya kung ano ang uunahin niya.

“Actually po, mas nauna kong mahalin ang music bago ‘yung acting. Ang training ko po ay musical theater sa New York (USA), pero nawawala-wala po kasi dapat araw-araw kang kumakanta na parang muscle na kailangan dini-develop. Ngayon pa lang po ako bumabalik at ipinaalam na kumakanta ako at maraming salamat po sa Star Music at sinuportahan nila ako sa ganitong pagkakataon na gusto kong gawin. Galing po sa lolo (influencer) na kumakanta ng Beatles,” pahayag ng actor/singer.

At dahil matagal na nahinto sa pagkanta si JC ay kinailangan niyang mag-voice lesson na nagsimula noong Nobyembre 2017 at tuloy-tuloy na hanggang ngayon.

Balik-serye si JC dahil kasama siya ngayon sa FPJ’s Ang Probinsyano bilang boss ni Yassi Pressman sa karakter na Alyanna.

Sa kabilang banda ay naging viral naman ang videos sa YouTube at Facebook ang Agsunta Band na may titulong Agsunta Song Request webisodes handog ang kanilang OPM covers na kinabibilangan nina Jireh Singson, Mikel Arevalo, Josh Planas, at Stephen Arevalo. Ang nilalaman ng album nila ay Di Ba Halata, Patawad, Distansya, Magkasuyo, at Time Machine.

Ayon sa head ng Star Music na si Roxy, na-witness nila ni Mico del Rosario (Adprom Head ng Star Creatives at Star Cinema) nang mag-surprise visit sila sa gig ng Agsunta Band na punumpuno ng tao.

“Actually Reggs, nagulat kami ni Mico kasi mabenta sila sa Millennials, eh, sila na ang audience ngayon,” sabi pa ni Roxy.

Kasama rin sina Miko Juarez at Gabriel Umali o mas kilala sa tawag na Miko at Gab na nakilala sa awitingHugot.

Nagkakilala ang dalawang Asian Artists Agency bilang contestant sa Pinoy Boyband Superstar noon na hindi pinalad makuha pero hindi sila nawalan ng loob dahil sa payo ng manager nilang si Boy Abunda.

Kaya rin isinama si Migz Haleco sa launching ng mga bagong artists ng Star Music ay dahil may bago siyang album at bilang solong singer na dahil dati ay may kasama siya na nawala na ngayon.

Ang carrier song ni Migz ay ang Pag Ika’y Nagmahal at naging interpreter sa awiting Bes, isa sa finalists ngHimig Handog 2017 at napapanood siya sa ASAP Jambayan.

Isa sa The Voice Kids Season 1 contestant si Natsumi mula sa Camp Kawayan na hindi man pinalad manalo ay mayroon na siyang self-titled debut album na may anim na kanta, Hero In My Heart, Ikaw Lang Talaga, Its Never Easy, Hard To Get, Nananaginip ba ng Gising, at carrier song na Para Lang Sa ‘Yo. Magiging available rin sa Japan ang nasabing Natsumi album.

FACT SHEET!
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Gerald Anderson

Gerald umamin may mga pagkukulang kay Julia kaya naghiwalay

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAHANGA-HANGA ang ginawang pag-amin ni Gerald Anderson na may pagkukulang siya kay Julia Barretto kaya …

Jessy Mendiola Luis Manzano

Luis at Jessy puno ng pasasalamat ngayong 2025 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MATAPOS ang isang matagumpay na taon para kina Jessy Mendiola at Luis Manzano, nagpasalamat …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …