Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sofia, inaming may non-showbiz BF; Diego, tuloy pa rin sa pagseselos

TULOY pa rin ang Sofiego loveteam nina Sofia Andres at Diego Loyzaga maski hindi na sila magkarelasyon.

Yes Ateng Maricris, naging magkarelasyon naman talaga sina Sofia at Diego pero hindi nila inamin ng diretso dahil hindi rin namin alam.  Ang lagi lang nilang press release ay ”good friends and we care for each other.”

May nagsitsit sa amin na maski hiwalay na ang dalawa ay lagi pa rin silang nag-aaway kaya nakatataka kung ano ang pinag-aawayan.

Sakto namang nakita namin si Sofia sa valet parking ng ELJ parking nitong Miyerkoles ng gabi at kinumusta namin siya at sabay tanong kung sino ang boyfriend niya.

In fairness ay naging honest sa amin ang dalaga, ”non-showbiz po, nasa Australia po,” sambit ni Sofia.

Akalain mo Ateng Maricris, naka-iskup pa kami dahil nagbakasakali lang ang tanong namin? So, long distance relationship ito, balik-tanong namin kay Sofia.

“Opo, tita Reggee,” pakli ng dalaga sa amin.

Lagi raw kayong nag-aaway ni Diego, ”opo.”  Bakit anong dahilan, ”selos po.”

Huh? ‘Anong karapatan ni Diego magselos, eh, wala na naman kayo?’ hirit namin sa dalaga.

“Ewan ko nga po roon,” sambit pa.

Noong kasagsagan ng shooting ng Mama’s Girl movie nina Sofia at Diego produced ng Regal Entertainment ay dumalaw ang boyfriend ng dalaga at ditto nakita ng buong production team na inaaway ng aktor ang aktres.

Diretsong tanong namin kay Sofia kung ilang buwan na silang hiwalay ni Diego bago siya nagkaroon ng boyfriend dahil baka nag-overlap.

“Naku, Tita Reggee, eight months na po kaming hiwalay nang magkaroon ako ng boyfriend, hindi pa ba enough ‘yun?” katwiran sa amin ng aktres.

Oo nga naman, wala naman palang dapat ikagalit si Diego kay Sofia, ‘di ba Ateng Maricris?

Tinanong namin kung may girlfriend na si Diego, ”ay hindi ko po alam, ask n’yo na lang po siya, tita,” sagot ni Sofia sa amin.

Kaya namin tinanong si Sofia ay baka sakaling umamin siyang may alam siya at dahil hindi naman siya nakialam ay kami na ang magsasabi na mayroon ngang non-showbiz girlfriend din si Diego at ito pa rin ‘yung girl na long hair at medyo matangkad na nakita naming kasama niyang nanood ng Kita Kita sa Robinson’s Magnolia na pilit niyang itinatanggi.

Anyway, sa TV series Bagani na pinagbibidahan nina Enrique Gil at Liza Soberano ay kasama si Sofia pero wala si Diego? Ibig sabihin ba ay tsugi na ang loveteam nila?

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …

Claudine Barretto Inday Barretto

Ina ni Claudine na si Mommy Inday pumanaw sa edad 89

PUMANAW na ang ina nina Gretchen, Marjorie, at Claudine Barretto na si Estrella Barretto, o mas kilala bilang Mommy Inday, …