Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Magdyowang director na sina Antoinette at Dan movie producers na rin (Peg sina Perci Intalan at Direk Jun Lana)

BEFORE ay sina Donna Villa at ang mister na si Direk Carlo J. Caparas ang sanib puwersa sa pagpo-produce ng movies sa ilalim ng kanilang Golden Lion Films na nakilala nang husto dahil sa mga ginawang massacare films na majority ay kumita sa takilya.

Pero noong namayapa si Tita Donna ay mukhang pahinga na muna si Direk Carlo lalo’t semplang ‘yung huling movie na ginawa nila.

Now, ang gay couple na sina Direk Jun Lana ang uso ngayon sa dami ng mga pelikulang ginagawa nila sa ilalim ng kanilang sariling movie outfit na The Idea First Company tulad ng kapapalabas pa lang na “Ang Dalawang Mrs. Reyes” na nakipagsosyo sila sa Star Cinema at Quantum Films at si Direk Jun ang director nito at ang “My Fairy Tail Love Story” na pinagbibidahan nina Elmo Magalona at Janella Salvador na showing na sa cinemas nationwide ngayong Feb. 14, eksaktong araw ng mga puso.

Ang Regal Multimedia naman nina Mother Lily at Roselle Monteverde ang co-producer dito ng mag-asawa at si Perci ang siyang nag-direk ng film. Naging mag-partner din noon ang ex-lovers na sina Bela Padilla at Niel Arce.

Ang latest na addition sa dumaraming listahan ng mga baguhang producers ay itong sina Direk Antoinette Jadaone at Direk Dan Villegas. Ang mag-sweetheart ang producer para sa Viva Films ng JaDine movie nina James Reid at Nadine Lustre na “Never Not Love You” na recently lang ay nag-shoot sa London.

We heard, na hindi lang daw ito ang gagawin nina Direk Antoinette at Direk Dan meron pa silang ibang naka-line-up na projects.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …