Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Suka ni Ryza Cenon,kinain na parang kanin

HINDI namin mawari kung ano ang magiging reaksiyon nang kainin ni Ryza Cenon ang suka niya dahil grabeng nalasing nang mag-inuman sila ni JC Santos.

Animo’y kanin na dinakot iyon ni Ryza para muling isubo. Nakaka-iww at nakahahanga na walang keber na ginawa iyon ng aktres.

Isa ito sa tagpong mapapanood sa kasalukuyang handog ng Viva Films at The IdeaFirst Company, ang Mr & Mrs Cruz na ukol sa dalawang indibidwal na nagkita at nagkasama sa isang bakasyon sa Palawan. Parehong bigo sa pag-ibig, ang isa ay nang-iwan at ang isa’y iniwan.

Ang Mr & Mrs Cruz ay idinirehe ni Sigrid Andrea Bernardo na tulad ng Kita Kita na pinagbidahan nina Alessandra de Rossi at Empoy, dalawa rin ang tauhan. Porte na talaga ni Direk Sigrid na dalawa lang ang tauhan sa kanyang pelikula.

Ang isa pa sa naloka kami at dapat ay hindi kayo pumikit kapag pinanood ito ay nang ipasuot ni JC ang kanyang brief kay Ryza. Nag- ala-MacGyver si JC, pero opp’s ayaw  niyang itawag iyon sa kanya kundi nalaman niya iyon sa pamamagitan ni Google. Iyon ang nang gawin niyang bra ang kanyang brief dahil ‘di sinasadyang nasira ang suot-suot na pang-itaas ni Ryza.

Lumabas namang cute at maganda ang brief-bra na aliw na aliw kami. Naitanong nga ng aming katabi kung isusuot namin ang brief ng isang hindi mo naman masyadong kilala kapag nangyari ang ganoon? Well, tingnan na lang natin, ha ha ha.

Aliw din ang eksenang parehong lango na sina Ryza at JC. Ang galing-galing ni Ryza na animo’y lasinggera talaga. Rito’y nag-open up silang dalawa sa kung ano ang nangyari sa kanila kaya lumipad sila sa Palawan ng walang kasama.

Nagtagumpay din si Direk Sigrid sa pagpapakita kung gaano kaganda ang Palawan. At tiyak marami ang magsasabing ‘punta tayo ng Palawan’ kapag napanood ang pelikula dahil talaga namang ipinakita ng director ang napakagagandang tanawin-lugar doon.

 

 

 

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …

James Reid kathryn Bernardo Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel-Kaila ‘di nagpatalbog kina James-Kathryn

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING usap-usapan ang performance nina James Reid at Kathryn Bernardo sa katatapos na Christmas Special …

Angelica Panganiban Ellen Adarna

Angelica, Ellen nag-follow sa kani-kanilang IG, isasama pa sa GC

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AYAN na, nag follow na sa isa’t isa sina Angelica Panganiban at Ellen Adarna sa …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …