Saturday , December 21 2024

3 mahistrado haharap sa impeachment vs CJ Sereno

INAASAHANG tatlong  mahistrado ang dadalo sa pagdinig ng House Committee on Justice ngayong umaga (Lunes) sa impeachment proceedings laban kay Chief Justice Ma. Lourdes Sereno.

Kinompirma ni Oriental Mindoro Rep. Reynaldo Umali, chairman ng komite, dadalo sa pagdinig sina Associate Justices Lucas Bersamin, Diosdado Peralta at Samuel Martirez.

Sinabi ni Umali, tetestigohan ni Martirez ang desisyon niya ukol sa benepisyado ng Korte Suprema kabilang ang mga balo ng mga hukom, na sa loob ng dalawang taon ay hindi nakatanggap ng pensiyon.

Habang magbibigay umano ng testimonya sina Justice Peralta at Bersamin ukol sa “rules and procedure” sa Korte Suprema na dapat sana ay daraan sa en banc bilang collegial body ngunit si Sereno lamang ang nagdesisyon nito.

Nauna nang sumipot sina Associate Justices Francis Jardele, Noel Tijam at Teresita de Castro sa pagdinig noong nakaraang taon na nadiin si Sereno.

Kabilang sa paratang kay Sereno ang pagbinbin sa kahi-lingan ng Department of Justice na ilipat sa Taguig City ang pagdinig sa Maute case ngunit inilipat ito ng punong mahistrado sa Cagayan de Oro.

Idinahilan noon ni SC clerk of court Atty. Felipa Borlongan Anama, na raffle committee ang nagdesisyon na mapunta ang kaso kay Sereno ngunit kalaunan ay umamin si Anama na walang naganap na raffle.

(JETHRO SINOCRUZ)

About Jethro Sinocruz

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *