Saturday , December 21 2024

Alibi ni Rigondeaux ‘di kinagat ni Lomachenko

MINALIIT NI Vasyl Lomachenko ang dahilan ni Guillermo Rigondeaux na napilay ang kaliwa nitong kamay kung kaya sumuko siya sa laban sa 7th round noong Linggo sa bakbakan nila para sa WBO super featherweight championship na ginanap sa The Theater sa Madison Square Garden. 

Kategorikal na sinabi ni Lomachenko na kung siya ang nasa kalagayan  ni Rigondeaux ay hindi siya susuko sa laban at ipagpapatuloy niya ang bakbakan kahit pa nga sira ang kaliwa niyang kamao. 

Ang pahayag na iyon  ay ibinase ni Lomachenko sa personal niyang experience sa ring. 

Naalala ni Lomachenko ang sariling experience noong lumaban siya sa Macau, China tatlong taon na ang nakararaan nang makaramdam siya ng matinding pananakit ng kaliwang kamay pero tiniis niya ang nararamdaman at itinuloy niya ang laban.  Nagawa pa rin ng kaliweteng si Lomachenko na manalo laban kay Suriya Tatakhum ng Thailand via unanimous decision sa harap ng mga manonood sa Cotai Arena na kung saan ay undercard sila ng labang Manny Pacquiao-Chris Algieri. 

”You know, I fought with one hand in Macau,” kuwento ni Lomachenko. “So it depends [on] you. If you wanna win, if you wanna fight, you’re willing to die in the ring.” 

Hanggang sa kalalukuyan ay wala pang pahayag ang kampo ni Rigondeaux kung ano na nga ba ang nangyari sa kaliwa niyang kamay.  Hinihintay pa ang resulta ng x-ray habang isinusulat ang balitang ito. 

Samantala, naghihintay pa rin ng tunay na pahayag si Lomachenko sa kampo ni Rigondeaux sa tunay na dahilan ng pag-ayaw ng huli sa laban.  Hindi niya nagawang itanong iyon dahil hindi ito dumalo sa post-fight press conference. 

About hataw tabloid

Check Also

Bambol Tolentino

Magsisimula na ang trabaho sa POC sa 2025 – Tolentino

Ang bagong re-elected na presidente na si Abraham “Bambol” Tolentino ay magtatawag ng pagpupulong ng …

Ajido, nagtala ng bagong record sa SEA Age swimming tilt

Ajido, nagtala ng bagong record sa SEA Age swimming tilt

MULING isinalba ni Jamesray Mishael Ajido ang kampanya ng Team Philippines sa nasukbit na gintong …

Philippines A nangibabaw sa pagbabalik ng BIMP-EAGA Games

Philippines A nangibabaw sa pagbabalik ng BIMP-EAGA Games

FINAL Standing             Gold             Silver         Bronze      Total Philippines-A                   30                   37            32              99 Malaysia –  B                   17                   …

Manny Pacquiao Dubai Sports Council

Sa kolaborasyon ng PH at UAE
Pambansang Kamao Manny Pacquiao, Dubai Sports Council nagpulong para sa oportunidad ng sports development 

NAKIPAGPULONG si Pambansang Kamao at dating Senador Manny Pacquiao sa mga opisyal ng Dubai Sports …

Delegasyon ng PAI kakampay sa 46th Southeast Asian Age Group Championship

Delegasyon ng PAI kakampay sa 46th Southeast Asian Age Group Championship

TUMULAK patungong Thaiand ang binuong delegasyon ng Philippine Aquatics, Inc. (PAI) na sasabak sa apat …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *