Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Direk Cathy, na-tense kay Aga

AMINADO ang blockbuster director Cathy Garcia-Molina na nakaka-tense makatrabaho ang isang Aga Muhlach.

Sa presscon ng Seven Sundays na handog ng Star Cinema at mapapanood na sa Oktubre 11, sinabi ni Molina na first time niyang makatrabaho ang actor.

“Parang noong unang araw namin hindi ko alam kung kaya ko siyang sabihan ng take 2, take 3, iko-correct, kasi Aga Muhlach na siya eh. Eh, best actor noong generation niya. So ang hirap kasi, mas experienced pa siya sa akin. Alam ko may ibang pagtingin siya sa eksena, very different from mine.

“What I love about him is he trusted me.

“Thank you and ‘yun lang naman ang kailangan ko para mawala ‘yung hiya ko, mawala ‘yung inhibitions ko para mai-guide ko siya along with the other actors,” mahabang paliwanag ng director.

Sa mga bida sa Seven Sundays, tanging si Enrique Gil ang naidirehe ni Direk Molina. ”Sa lahat po including Tito Ron (Ronaldo Valdez) sa MMK ko lang po siya naidirehe including Munting Paraiso. But for film, this is my first time with him.

“Si AA (Cristine Reyes) naman, kahit sa TV hindi ko pa siya naka-work, also Dingdong (Dantes). Maraming first. Si Quen lang po ang sawa na sa akin.”

Muli na namang kukurutin ni Direk Molina ang mga puso ng milyon-milyong manonood sa very touching at moving na pelikulang ito dahil ang huling family movie na kanyang idinirehe ay ang Four Sisters And A Wedding noong 2013.

Ang Seven Sundays ay isang heartwarming film na nagpapaalala sa bawat Filipino na bagamat hindi lahat ng pamilya ay perpekto, isa lamang ang tiyak—ang pagmamahalan ng bawat miyembro sa isa’t isa sa kabila ng kani-kanilang mga problema.

Tampok din sa Seven Sundays sina Donita Rose, Kean Cipriano, Ketchup Eusebio, April Matienzo, Jeffrey Tam, Kyle Echarri, Kim Billote, Angelica and Angelle Cruz, Gabriel Iribagon, at Alyanna Angeles. Mapapanood na ito sa Oktubre 11.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio



Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …