Monday , November 25 2024

Manila prosecutor naghahabol sa CA na balewalain ang suspensiyon sa kanya ni SoJ Aguirre

Iba rin ang gara nitong si suspended Manila City Prosecutor Edward Togonon.

Suspendido si Togonon sa kaso ng apat na senior citizen na biktima umano ng ‘tanim-droga’ at hinayaan niyang makulong nang halos anim na buwan sa Manila Police District (MPD) kahit wala namang kaso.

Ang ipinalit sa kanya ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre ay si Prosecutor Alexander Ramos bilang hepe ng Manila prosecutor’s office habang siya ay inirekomendang sampahan ng kasong “gross neglect of duty, insubordination and conduct prejudicial to the best interest of the service.”

Imbes sumunod sa proseso ng batas, agad humingi ng saklolo sa Court of Appeals (CA) si Togonon na magpatupad ng temporary restraining order (TRO) laban sa kanyang suspensiyon.

Gusto pang kontrahin ang ipinalit sa kanya dahil ka-bro ni Secretary Aguirre. Ibang klase rin talaga. Kitang-kita na gusto niyang suwagin si Secretary Aguirre?!

Bakit ba ganito kalakas ang loob ni Togonon para suwagin si Secretary Aguirre?

Dahil ba ‘ninang’ niya at paborito siya ni suspected illegal drugs protector Sen. Leila de Lima?!

Hindi ba’t mula Muntinlupa ay nailipat si Togonon sa Maynila? At mula raw nang mapunta sa Maynila si Togonon, nauso ang mga nagbabaliktarang kaso?!

Magaling sigurong maglut0 ng pancake si suspended Manila city prosecutor Togonon?!

Kanino kaya siya natutong magluto ng pancake?! Kay Madam Leila?!

Ano sa palagay ninyo, mga suki?!

MAY DELICADEZA
SI RESIGNED BUCOR
CHIEF BENJAMIN
DELOS SANTOS

ISA ang nagbitiw na hepe ng Bureau of Corrections (BuCor) na si Director General Benjamin delos Santos sa mga opisyal ng gobyerno na masasabi nating may tunay na delicadeza.

Nang sabihin ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre na bumalik na naman ang operasyon ng ilegal na droga sa loob ng National Bilibid Prison (NBP) agad siyang nagpahayag ng intensiyon na magbitiw.

Irrevocable resignation. Ibig sabihin hindi nagpapahabol lang si ret. Gen. Delos Santos.

Sabi nga niya, nang magbalik ang operasyon ng ilegal na droga sa Bilibid, ibig sabihin, ay hindi na siya kailangan doon.

Isa sa mga pinagkakatiwalaang tao sa Department of Justice (DoJ) ni Secretary Aguirre si dating police general Delos Santos.

Sila ay magka-bro sa Lex Taliones, isang law school fraternity na kinabibilangan din ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte.

Gaya ng sinabi ni Secretary Aguirre, ilan sa mga itinalagang miyembro ng PNP Special Action Force (SAF) ay kontaminado na rin ng operasyon ng ilegal na droga sa loob ng Bilibid.

Tsk tsk tsk…

Parang ipinagmamalaki lang ng sindikato, “kahit sino pa ang dalhin ninyo rito sa loob ng Bilibid kayang-kaya naming paikutin at isabotahe ‘yan.”

Kahit na ‘anghel’ pa siguro ang ipasok sa Bilibid, tiyak na magiging demonyo kapag nadikit sa sindikato ng ilegal na droga.

Kaya ang kailangang maitalagang hepe rito ay gaya rin ni Gen. Delos Santos. May delicadeza at hindi kayang bilhin ng perang mula sa ilegal na droga.

Mukhang hindi lang simpleng pagpapalit ng mga bantay ang solusyon para tuluyang maigupo ang ilegal na droga sa Bilibid.

Kung hindi magagawa ang building type na penitentiary mas makabubuting i-relocate ang NBP para unti-unting mawasak ang sistema ng operasyon ng sindikato ng ilegal na droga.

Pansamantala, naniniwala tayo na mayroon pang malaking papel na gagampanan si Gen. Delos Santos para mabawasan kung hindi man tuluyang matuldukan ang operasyon ng ilegal na droga sa Bilibid.

Umaasa po tayo na makabuluhan ang mga susunod na hakbang ng DOJ laban sa sindikato ng ilegal na droga.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *