Monday , November 25 2024

Kailangan na sigurong magkaroon ng Commission on Criminal Rights?

BATAY sa konsepto ng pagbubuo sa Commission on Human Rights (CHR), sila ay nakabantay umano sa mga kaso ng paglabag sa political at civil rights na ang lumalabag ay government agencies o government official or employees.

Kaya kung ang perpetrator ay walang kaugnayan sa alinmang ahensiya ng pamahalaan, tahimik ang CHR.

Tahimik na tahimik…

Puwes kung hindi nila ito trabaho, dapat pala magtayo ng Commission on Criminal Rights (CCR) baka sakaling mabalanse ang pagtingin ng publiko at ng mga opisyal mismo ng gobyerno sa mga sibilyan na gumagawa ng walang pangalawang paglabag sa karapatang pantao — gaya ng panggagahasa, pagpatay at pang-aagaw sa maliligayang sandali sa buhay — na naranasan ng isang pamilya sa City of San Jose del Monte, Bulacan nitong nakaraang linggo.

Hindi biktima ang poprotektahan ng CCR kundi ang mga suspek. ‘Yan baka sakali kumibo at mag-ingay ang CHR kapag ganyan na ang nangyari.

Nagtataka ang maraming mamamayan kung bakit hindi kumikibo ang CHR — at ‘yun nga ‘e dahil hindi umano nila trabaho iyon. Sila ay para sa mga government agencies, officials and employees na sangkot sa paglabag sa political at civil rights ng isang simpleng mamamayan.

Puwes, ang puwede palang ireklamo diyan sa CHR ay ‘yung mga pulis o local authority na tila napakakupad kumilos para mahuli agad ang mga suspek sa karumal-dumal na pagpatay sa nasabing pamilya?

Mantakin naman ninyo, ilang araw na ang nakalipas matapos ang karumal-dumal na pagpaslang sa isang pamilya pero hanggang ngayon, isang sinto-sintong suspek na mukhang fall guy pa ang naihaharap sa media?!

Pinagsasalita sa harap ng telebisyon nang walang abogado? Hindi ba’t grounds iyon para mabalewala ang kaso, ‘yung pagkaitan ng karapatan ang suspek?

‘Yan tiyak na masisilip ng CHR ‘yan. ‘Yung hindi binigyan ng abogado ang suspek.

Hay naku!

Balintuwad talaga ang sistema dito sa Filipinas.

Kaya nga mismong si Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte halos mabuang sa kaiisip kung  bakit naghihinagpis ang CHR kapag may napapatay na drug addict at drug users.

Pero kapag adik na pumaslang ng isang buong pamilya, hindi sila nagsasalita?!

Ano ‘yun? May tapa ojo ba ang mga taga-CHR?!

O baka naman ang CHR na mismo ang gustong maging Commission on Criminal Rights (CCR)?!

What d’ya think Commissioner Jose Luis Martin “Chito” Gascon?

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *