Friday , November 22 2024

Dahil sa hindi matigil-tigil na iregularidad sa pagtrato sa mga detainee; Walang tigil ang ‘riot’ sa Metro Manila District Jail (MMDJ) ng BJMP-NCR sa Taguig (Attn: DILG OIC Catalino Cuy)

MATINDI pa rin ang tensiyon sa Metro Manila District Jail (MMDJ) na pinamamahalaan ng Bureau of Jail Management and Penology – National Capital Region (BJMP-NCR) sa Camp Bagong Diwa, Taguig City.

Hanggang ngayon daw kasi, wala pa rin lagay ‘este koryente sa iba’t ibang selda o mga selda ng iba’t ibang gang na nakadetine ngayon sa nasabing district jail.

Walang katapusan ang lagayan ‘este tensiyon.

E paano nga, mainit ang ulo ng mga preso dahil walang koryente. Mainit, masikip, nagkakasakit at namamantot na sila.

Ang sabi ng BJMP, naputulan daw sila ng linya ng koryente o nasabugan ng transformer, pero ayon sa ibang preso kinokontrol ng jail guards ang supply ng koryente.

At ‘yun ang hindi nila maintindihan.

Pero hindi po lahat ng selda ay ganyan ang kalagayan.

Sa selda umano, kung saan naroroon ang Chinese detainees, mayroong nagagamit na generator, kaya komportable ang kalagayan.

Narinig ba nating nag-riot ang Chinese detainees?!

Hindi, ‘di ba?

Kasi nga ‘madali’ raw silang maghatag ‘este kausap.

Mismong ilang jail guard ay sinasabi na para magkaroon sila ng koryente at ginhawa ay kailangan magbigay ng P250,000 ang bawat gang para payagan silang magkaroon ng generator.

Sonabagan!!!

Saang kamay ng ‘diyos’ kukuha ng P250,000 ang bawat gang?! Naroon nga sila at nakakulong, walang trabaho at marami sa kanila ay padre de familia kaya malamang hirap na hirap ang pamilyang naabandona nila.

Hirap na hirap na nga, tapos hihingian ng P250,000 para makapaglagay sila ng generator!?

Alam kaya ni BJMP/Director Serafin Barretto na bawat kilos, gaya ng dalaw at pagkain ng detainee sa MMDJ ay may katumbas na halaga ultimo pagdalo sa kanilang mga nakatakdang hearing?!

Kapag walang panlagay ang isang detainee na may hearing sa court, ang isasagot ng jail guard, “Walang sasakyan, sira?”

Pero kapag may lagay, alas tres pa lang ng madaling araw gigisingin na ang mga detainee na naglagay para huwag daw silang ma-traffic.

Paging Department of Justice or Supreme Court, mahigpit na po ang pangangailangan na mag-inspeksiyon ang PAO para malaman ninyo kung ano ang tunay na dahilan kung bakit hindi nakadadalo sa court hearing ang mga preso sa BJMP-NCR.

Bukod diyan, kailangan din ng lagay sa iba’t iba pang pangangailangan ng preso para lamang makaranas sila ng kaunting-kaunting ginhawa.

Natatakot na rin ang kaanak ng ibang preso sa naririnig nilang tsismis na para mai-raise umano ang P250,000 ay pinagbebenta ng mga jail guard ng kung ano-anong ‘kalakal’ ang mga detainee.

Ano ba ang kalakal na ipinabebenta ninyo sa mga detainee?! Baka naman ‘hot item’ ‘yan, Director Barretto?!

Inuulit lang po natin, Justice Secretary Vit Aguirre and Supreme Court Chief Justice Lourdes Sereno, tantanan muna ninyo ang pamomolitika at pakirekorida muna ang mga ‘detention center’ at mga proseso sa hukuman na nasa ilalim ng pangangalaga ng inyong ahensiya at institusyon.

DILG OIC Catalino Cuy Sir, pakibusisi ang BJMP-NCR Metro Manila District Jail!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *