Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ginebra reresbak sa TnT (Game Two)

NAGHAHANAP  ng pangontra o panapat ang Barangay Ginebra kay Joshua Smith para  makatabla sa TNT Katropa sa Game Two ng  best-of-five semifinals ng PBA Commissioner’s Cup 7:00 pm sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Dinaig ng Tropang Texters ang Gin Kings, 100-94 sa Game One noong Linggo kung saan nag-astang halimaw ang 330-pounder na si Smith na gumawa ng 35 puntos, 13 rebounds, apat na assists at dalawang steals.

Hindi napigilan ng nga tulad nina Japhet Aguilar, Dave Marcelo at Joe DeVance si Smith. At dahil dito ay namiyesta ang TNT Katropa import sa shaded area samantalang nalibre naman sa labas ang mga shooters ni coach Nash Racela.

Sinabi ni Racela na inasahan na niya na mangyayari ito dahil sa hindi naman mabagal si Smith at kaya niya ang sinumang dedepensa sa kanya.

“Ïf you give him the playing time, he will deliver,” ani Racela patungkol kay Smith na naglaro lang ng 28 minuto. Gumawa siya ng 29 puntos sa second half.

Natulungan siya ng rookie na si Ro-ger Pogoy na nagtala ng 17 puntos at Ranidel de Ocampo na gumawa ng 12.

Ang iba pang inaasahan ni Racela ay sina Jayson Castro, Kelly Williams, Moala Tautuaa at Troy Rosario.

Tiyak namang ihahanda ni coach Tim Cone ang kanyang mga bata para sa resbak upang maitabla ang serye.

Malabo pa ring paglaruin ni Cone ang seven-footer na si Greg Slaughter bagama’t ito ay nakapag-ensayo na at nagsuot ng uniporme sa Game One.

Kailangang doblehin ni Ginebra import Justin Brownlee ang kanyang pagpupunyagi upang matulungan ang Gin Kings. Si Brownlee ang leading contender para sa Best Import award subalit maglalaho ito kapag hindi nakarating sa Finals ang Barangay Ginebra.

Sa Game One, si  Brownlee ay gumawa ng 24 puntos, 14 rebounds, anim na assists at  dalawang steals sa 43 minuto.

Nakatulong ni Brownlee sina LA Tenorio (15 puntos), Aguilar (15), DeVance 10 at Kevin Ferrer (10).

Ang magwawagi sa duwelong ito ay makakalaban ng mananalo sa kabilang semifinal series sa pagitan ng Star Hotshots at San Miguel Beer  sa best-of-seven championship round.

(SABRINA PASCUA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Sabrina Pascua

Check Also

UAAP DLSU NU

DLSU panalo sa NU

TINALO ng De La Salle University ang may twice-to-beat advantage na National University, 87-77, nitong …

Bambol Tolentino Alexandra Eala Bryan Bagunas

Eala, Bagunas napiling flag bearer ng Team PH sa 33rd SEA Games sa Bangkok

IPINAHAYAG ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino ang pagpili sa dalawa sa …

ArenaPlus Gilas Pilipinas

ArenaPlus and Gilas Pilipinas team up for the upcoming FIBA World Cup Asian Qualifiers

ArenaPlus renews its sponsorship with Gilas Pilipinas, ahead of the 2027 FIBA World Cup as …

FIFA Futsal Womens

Nangungunang Brazil Makakaharap ang Asian Champion na Japan sa Pag-init ng Futsal Quarterfinals

MGA LARO NGAYON(PHILSPORTS ARENA)6 P.M. – PORTUGAL VS ITALY8:30 P.M. – BRAZIL VS JAPAN MAKAKAHARAP …

Criss Cross King Crunchers

King Crunchers, Sinungkit ang Kasaysayan! Dinurog ang Japan sa Epikong Limang-Set para sa Spikers’ Turf Title

SA WAKAS, nakamit ng Criss Cross ang matagal nang inaasam na korona sa Spikers’ Turf—hindi …