Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Alas, Amer papalit kay Guinto at Grey sa Gilas pool

NAKATAKDANG palitan nina Kevin Alas ng NLEX Road Warriors at Baser Amer ng Meralco Bolts sina Bradwyn Guinto at Jonathan Grey sa Gilas Pilipinas training pool.

Kinompirma ito ni coach Chot Reyes kamakalawa sa nangyaring trade sa pagitan ng maraming koponan noong nakaraang buwan.

Ang dating nasa Gilas pool na si Guinto mula NLEX at Grey mula Meralco ay pareho nang nasa Globalport Batang Pier ngayon kaya’t sumobra sa bilang ng napagkasunduang manlalaro ng bawat koponan sa Gilas.

Na-trade sina Guinto at Grey papuntang Globalport sa isang blockbuster trade na kinatampukan din nina JR Quinahan, Anthony Semerad, Garvo Lanete at Larry Fonacier.

Dahil doon, naging 4 ang Gilas pool players sa Global kasama na si Terrence Romeo at Von Pessumal.

Ayon sa napagkasunduan ng PBA at SBP, isang PBA veteran at isang Gilas cadet lamang ang maipapahiram ng liga sa PBA at sa kaso ng Globalport, si Romeo at Pessumal iyon na nagbigay-daan sa pagbabago sa training pool.

Kaya’t hahalili para sa kanila si Amer ng Bolts at Alas ng Road Warriors.

Hindi bago sa dalawa ang pagsali sa national team dahil naging kadete sila ng Gilas bago na-draft sa PBA.

Naglaro ang produkto ng Letran na si Alas para sa Gilas sa 2014 FIBA Asia Cup habang si Amer ng San Beda ay sa 2015 SEA Games.

ni John Bryan Ulanday

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Bryan Ulanday

Check Also

Alex Eala

Eala pinatalsik si Sakatsume, pasok sa quarters

SA KABILA ng makapal na benda sa kanyang kanang hita, nagpakita ng katatagan si Alex …

PVL Premier Volleyball League

Pagpapatuloy kaysa pagbabago: Tumaya ang mga koponan ng PVL sa chemistry

HABANG umikot ang karamihan sa usapan ng offseason ng Premier Volleyball League (PVL) sa mga …

KALARO Jun Lasco Darren Bautista

KALARO: Pagbuo ng Kinabukasan ng Sports sa Pamamagitan ng Isang Pinag-isang Digital Ecosystem

BAGO pa man naging isang Sports Super-App ang KALARO, ang kuwento nito ay nagsimula na …

Alex Eala

Eala winalis si Charaeva sa PH Women’s Open

SA inspirasyon ng home crowd at sa kabila ng pangamba sa posibleng injury, winalis ni …

NST-IAC BBM Pato Gregorio

National Sports Tourism Committee naglatag ng masigasig na estratehiya para sa paglago ng ekonomiya

MABILIS na umuusbong ang sports tourism bilang pinaka-dinamikong tagapaghatak ng pandaigdigang sports economy, at determinado …