Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Panaginip mo, Interpret ko: Pusa at daga nag-away sa pritong isda (2)

KAPAG nanaginip ka na iniluluto mo ang isda, ibig sabihin ay isinasama mo ang bagong katuparan na inaasam para sa iyong espirituwal na damdamin at kaalaman. Naghahangad ka ng katuparan ng mga mithiin o pangarap, ngunit dapat magsikap mabuti at dagdagdan ang tiwala sa sariling abilidad o kakayahan.

Kailangan na huwag maging padalos-dalos sa mga gagawing desisyon, lalo na ang napaka-importanteng mga bagay.

Kapag nakakita ng wall o pader sa panaginip, ito ay may kaugnayan sa limitations, obstacles at boundaries. Mayroong humahadlang sa iyong pag-unlad. Alternatively, ang pader ay nagsasaad na ikaw ay masyado nang sanay sa mga lumang habits at way of thinking. Kaya ikaw ay naka-stuck sa ganyang ugali at kaisipan.

Kung sa panaginip mo ay may dugo sa pader, maaaring ito ay isang babala na mayroong sitwasyon na kailangan mong harapin at hindi ito maaaring iwasan. Kapag sa bungang-tulog mo ay lumundag ka sa pader, nagsa-suggest ito na hindi mo nako-kontrol ang matitinding sagwil o obstacles sa iyong buhay at nahihirapan kang ito ay lagpasan o mapagtagumpayan.

Kapag naman nanaginip na sinira mo ang pa-der, nagpapakita ito that you are breaking through obstacles and overcoming your limitations. Ito ay nagsasabi rin na hinahangad mo ang ilang freedom and independence. Kung ang nakitang pader ay nawasak o gumuho, nagsa-suggest ito na nalagpasan mo ang iyong mga suliranin sa buhay at pati na ang mga barrier na kinakaharap.

Kung sa panaginip ay nagtatago ka sa wall o pader, ito ay nagsa-suggest na ikaw ay nahihi-yang kilalanin ang iyong connections. Kung ikaw ay ibinalibag o binaril through a wall, nagsasabi ito na kailangang mong literally na sirain ang pader na ikaw mismo ang naglagay sa iyong paligid. Kaila-ngan mong mag-venture out at mag-explore. Kung nanaginip na naglalagay o nagtatayo ka ng pader, nagsasabi ito nang ukol sa bad relationship or childhood trauma. Itinataboy o umiiwas ka sa ibang tao dahil sa takot o pangambang masaktang muli.

Alternatively, ang panaginip na ganito ay nagsasaad na tinanggap mo na ang iyong mga limi-tasyon. Kung sa panaginip naman ay walang walls ang bahay, nagsasabi ito ng kawalan ng privacy.

Pakiwari mo, tinitingnan ka at minamatyagan ng lahat ang bawat ginagawa mo. Kapag nana-ginip na bumabagsak, ito ay kabilang sa isa sa mga itinuturing na pangkaraniwang panaginip.

Ngunit taliwas sa mga nakaugaliang paniniwala at interpretasyon ng ganitong tema ng bu-ngang-tulog, hindi ito nangangahulugan ng kamatayan kung ikaw ay hindi magigising sa pagkakatulog kapag bumagsak ka na sa lupa, o kapag bumagsak na sa lupa ang iyong napanaginipan. Sa halip, ito ay indikasyon ng insecurities, instabilities, at anxieties. Ikaw ay nakadarama ng pagka-overwhelmed at kawalan ng kontrol sa ilang sitwasyon sa iyong buhay. Maaaring may koneksiyon ito sa iyong pakikipagrelasyon o kaya naman, sa iyong hanapbuhay.

Ikaw ay hindi makaagapay sa mabilis, kom-plikado, at problemadong pang-araw-araw na buhay. Maaari namang may kaugnayan ito sa sense of failure o inferiority sa ilang pagkakataon at sitwasyon. Posibleng may kinalaman ito sa takot na maging failure sa iyong trabaho, sa pag-aaral, status sa buhay, o sa usapin sa puso.

Ayon sa Freudian theory, ang ganitong panaginip ay nagsasaad din ng pag-iisip na may kaugnayan sa pagbibigay sa sariling kagustuhan na may kaugnayan sa sexual urge or impulse. At maaari na may kaugnayan sa kakulangan sa indiscretion.

Ayon sa interpretasyon ng Biblia, ito ay may negatibong kahulugan at nagsa-suggest na ang nananaginip ay maaaring gumagalaw o umaakto nang naaayon sa kanyang sariling kagustuhan at hindi alinsunod sa kagustuhan ng Panginoong Di-yos. Señor H.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

PCSO MMDA Patient Transport Vehicles PTV

Patient Transport Vehicles (PTVs) inihandog ng PCSO  sa Metro Manila 17 LGUs

LAHAT ng 17 lokal na pamahalaan sa Metro Manila ay nakatanggap ng tig-isang Patient Transport …

Araneta City

Happenings in Araneta City (Dec. 3 to 10, 2025)

We are pleased to share with you the list of events and activities in Araneta …

Pizza Hut Ultimate Cheesy 8 Pizza

The Ultimate Cheesy 8 Pizza is Pizza Hut’s cheesiest creation yet
Made with 8 cheeses, this festive number is bound to be the centerpiece of any celebration

When it comes to the Filipino holiday spread, no other ingredient is as joyful and …

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST Northern Mindanao gathered its valued media partners for the CEST Misamis Oriental Press Conference …