Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Racal haharap sa Zark’s Burger

HABOL ng Racal Alibaba ang ikalawang panalo  kontra sa Zark’s Burger sa  PBA D-League Foundation Cup mamayang 10 am Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Sa ikalawang laro sa ganap na 12 ng tanghali ay pinapaboran ang Cignal HD na maiposte ang ikatlong panalo kontra sa Marinerong Pilipino.

Tinambakan ng Racal ang AMA Titans, 118-100 sa una nitong laro noong Hunyo 1.

Nagbida para sa Alibaba ang Cebuano na si Mac Tallo  na gumawa ng 20 puntos. Nagbuslo siya ng 15 puntos sa first half at nagpapasok ng apat sa siyam na tira buhat sa three-point line. Nag-ambag din siya ng apat na assists at tatlong rebounds,

Nakatuwang niya sina Janus Lozada (17 puntos), Jam Cortez (15), Kent Salado (13)  at Michael Ayon-ayon (12).

Ang Racal ay hawak ni coach Jerry Codinera.

Ang Zark’s Burger ni coach Marvin Padrigas ay wala pang panalo matapos ang dalawang laro,

Sila ay natalo sa Gamboa Coffee Mix (85-84) at Cignal (107-69). Ang Zark’s ay kinabibilangan nina Robby Celiz, Clark Bautista, Jamill Sheriff, James Mangahas, RR De Leon at RJ Argamino

Matapos na matalo sa Flying V, 86-84 noong opening day ay nakabawi ang Cignal kontra  Tanduay Rhum (89-63) at Zark’s.

Ang mga pambato ni Cignal coach Boyet Fernandez ay sina Jason Perkins, Reymar Jose,  Christopher Sumalinog, Murphy Raymundo at Davon Potts.

Ang Marinering Pilipino ni coach Koy Banal ay pinamumunuan ng ex-pro na si  Mark Isip kasama nina Ralph Salcedo, John Rey Alabanza, Zach Nichols, Julian Sargent at John Derico Lopez.

Natalo ang Marinerong Pilipino sa Batangas, 92-82 noong Mayo 30.

(SABRINA PASCUA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Sabrina Pascua

Check Also

PSC BCDA New Clark City

PSC at BCDA, pinagtibay ang makasaysayang pakikipagtulungan para sa training hub ng New Clark City

NEW CLARK CITY, TARLAC — Pormal na pinagtibay ng Philippine Sports Commission (PSC) noong Martes …

Joanie Delgaco Kristine Paraon SEAG

Olympian rower Delgaco, Paraon nagbigay ng ika-26 na ginto ng PH

RAYONG, Thailand – Nilampasan nina rowers Joanie Delgaco at Kristine Paraon ang sarili nilang inaasahan …

Alex Eala

Alex Eala tiyak na ang bronze medal sa dominadong panalo laban sa Malaysian

NONTHABURI – Tiniyak ni Alex Eala na may isa pa siyang medalya sa 33rd Southeast …

Elreen Ann Ando SEAG

Ando nagbigay ng unang gintong medalya ng Pilipinas sa weightlifting

CHONBURI – Siniguro ni Elreen Ando ang unang gintong medalya ng Pilipinas sa weightlifting sa …

Mazel Paris Alegado SEAG

Alegado 11-anyos, nagwagi ng ginto sa women’s park event ng skateboarding sa SEA Games

BANGKOK — Maaaring si Mazel Paris Alegado, isang 11-anyos na skateboarder, na ang pinakabatang gold …