NASA General Santos City na si Manny Pacquiao kasama ang kanyang kampo upang doon ipagpatuloy ang pagsa-sanay para sa laban niya kontra Jeff Horn sa 2 Hulyo.
Lumipad sila patu-ngong timog ng bansa kahapon ng u-maga sa kabila ng ipinatutupad na Batas Militar sa buong kapuluan ng Min-danao para sa mas puspusan at pribadong pagsasanay.
Nag-ensayo si Pacman sa Elorde Gym sa Pasay City nang isang buwan bago tumungo sa Gensan, kasama ang buong Team Pacquiao sa pamununo ng long-time at hall of fame trainer na si Freddie Roach at conditioning coach na si Justine Fortune.
Ngunit bago tumungo sa GenSan ay sumalang muna si Pacquiao sa ma-tinding sparring kontra sa mga kaparis ng estilo ni Horn.
Sumabak siya ng tatlong rounds kontra George Kambosos Jr., ayon kay Aquiles Zonio ng Phil-Boxing.com.
Gayondin, dalawang rounds kontra Pinoy na si Leonardo Doronio at 4 rounds kontra Mexicanong si Adrian Young.
(JBU)