Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sports broadcasting legend Velez pumanaw na

ISANG alamat ang pumanaw na itinuturing na haligi sa mundo ng Philippine Sports.

Ang Philippine sports broadcasting legend na si Carlos “Bobong” Velez ay pumanaw kamakalawa ng gabi.

Si Velez, 71-anyos, ang nagtayo ng Vintage Enterprises — ang naging tahanan ng Philippine Basketball Association sa loob ng dalawang dekada.

Kasama ang kapatid na si Ricky, binuo ang sports broadcasting network na Vintage noong 1978 bago nakuha ang karapatang iere ang pinakamatandang liga sa Asya na PBA noong 1978.

Itinampok ng Vintage ang maituturing na “Golden Age” ng sports broadcasting gayondin ang PBA dahil sa pagkakasilang ng mga alamat na sportscaster ng Filipinas at ang tagumpay ng koponang Crispa at Toyota.

Naganap sa ilalim ng Vintage ang pinakamalupit na karibalan sa Philippine Sports na Crispa at Toyota, kung kailan din nasaksihan ang kauna-unahang grandslam sa PBA mula sa Redmanizers.

Isinilang sa Vintage ang mga alamat na broadcasters na sina Joe Cantada, Pinggoy Pengsan, Ronnie Nathanielsz, Jun Bernardino, Butch Maniego, Rommy Kintanar, Andy Jao, Quinito Henson, Steve Katan, Joaqui Trillo, Sev Sarmenta, Ed Picson, Freddie Webb, Chino Trinidad, Jimmy Javier, Noli Eala at Bill Velasco gayondin ang ngayo’y coaches na sina Tim Cone at Norman Black.

Ang Vintage ni Velez ang nagbigay-daan sa pag-usbong ng karera ni 8-division world champion Manny Pacquiao sa kanilang palabas na Blow by Blow.

ni John Bryan Ulanday

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Bryan Ulanday

Check Also

Alex Eala

Eala pinatalsik si Sakatsume, pasok sa quarters

SA KABILA ng makapal na benda sa kanyang kanang hita, nagpakita ng katatagan si Alex …

PVL Premier Volleyball League

Pagpapatuloy kaysa pagbabago: Tumaya ang mga koponan ng PVL sa chemistry

HABANG umikot ang karamihan sa usapan ng offseason ng Premier Volleyball League (PVL) sa mga …

KALARO Jun Lasco Darren Bautista

KALARO: Pagbuo ng Kinabukasan ng Sports sa Pamamagitan ng Isang Pinag-isang Digital Ecosystem

BAGO pa man naging isang Sports Super-App ang KALARO, ang kuwento nito ay nagsimula na …

Alex Eala

Eala winalis si Charaeva sa PH Women’s Open

SA inspirasyon ng home crowd at sa kabila ng pangamba sa posibleng injury, winalis ni …

NST-IAC BBM Pato Gregorio

National Sports Tourism Committee naglatag ng masigasig na estratehiya para sa paglago ng ekonomiya

MABILIS na umuusbong ang sports tourism bilang pinaka-dinamikong tagapaghatak ng pandaigdigang sports economy, at determinado …