Monday , December 23 2024

QC Hall Police Precinct palaban din vs kriminalidad

MADALAS ang impresyon sa city hall detachments ay bantay sa city hall o munisipyo. Nandi-yan ang paniwalaang bantay lang ng alkalde ang mga pulis na nakatalaga sa detactment – escort kung baga.

Akala din ng nakararami, hindi kasali sa ano man police operation ang city hall detachment at ang kanilang direktiba ay nagmumula sa opisina ng alkalde.

Mali ang mga impresyong nabanggit dahil ang city hall detachment ay walang ipinagkaiba sa mga police station at iba’t ibang operating units. Hindi lamang nakasentro ang city hall detachment sa munisipyo o city hall lalo sa pagbabantay sa alkalde kundi lagi rin nakaalerto at nagmumula ang direktiba nila sa mga police city director o district director.

Meaning, anytime ay palaban ang mga ope-ratiba ng city hall detachment – laban sila sa lahat ng masasamang element – 24 oras din nakaalerto ang mga operatiba rito.

Ang pagiging handa ng police city hall detachment (anytime) ay muling pinatunayan ng Quezon City Police District City Hall Detachment na pinamumunuan ni P/Chief Insp. Rolando S. Lorenzo Jr.

Nabanggit natin na muling pinatunayan dahil, hindi nitong nakaraang linggo lamang naka-dale ng masasamang elemento ang grupo ni Lorenzo kundi maraming beses na. Kung baga, taliwas sa inaakalang walang kuwenta ang city hall detachment pagdating sa kampanya laban sa kriminalidad.

Nitong 12 Mayo 2017, pinatunayan ng tropa ni Lorenzo ang patuloy na pagsuporta sa kampanya ni QCPD director, Chief Supt. Guillermo Lorenzo T. Eleazar laban sa kriminalidad sa lungsod

Dakong 12:50 am, habang nagpapatrolya (bilang pagbibigay seguridad sa  mamamayan) sa bisinidad ng Commonwealth Avenue, Quezon City, ang mobile car QC 246 at QC 245 ng city hall detachment, nilapitan sila ng isang biktima ng panghoholdap sa kanto ng Tandang Sora at Commonwealth Avenue, Brgy. Culiat, QC.

Tinutukan ng baril at hinoldap ng tatlong lalaki si Arnel Cruz. Tumakas ang tatlo sakay ng isang dumaang pampasaherong jeep patungo sa bisinidad ng QC Memorial Circle.

Makaraan, kasama ang biktima, nirespondehan agad ng mga tauhan ni Lorenzo ang insidente. Pagdating sa kanto ng Commonwealth Avenue at Arboretum Road, Brgy. UP Campus, QC, namataan ng biktima ang tatlong suspek na naglalakad.

Nang papalapit ang mga pulis sa tatlo para sa isang beripikasyon, bumunot ng baril ang tatlo at saka pinaputukan ang mga tauhan ni Lorenzo dahilan para ipagtanggol ng mga pulis ang sarili sa tatlong holdaper.

Nagresulta ang palitan ng putok ng baril sa pagkamatay ng tatlong holdaper. Narekober ng SOCO sa tatlong suspek, isa rito ay kinilalang si Jonathan Lucente ng Congressional Road, Brgy. Batasan Hills, QC, ang dalawang kalibre .45, at isang calibre .38.

Ayon kay Lorenzo, ang tatlo ay pinaniniwalaang responsable sa naganap na holdapan sa Commonwealth Avenue at ilang karatig- lugar.

Uli, hindi lang bantay city hall ang City Hall Police Detachment kundi laging nakaalerto para sa lahat ng mamamayan. Beinte-kuwatro oras  nakaalerto ang grupo ni Lorenzo bilang tugon sa kampanya ng QCPD o ni Gen. Eleazar laban sa kriminalidad para sa kaayusan at katahimikan ng lungsod.

Chief Supt. Eleazar, Chief Insp. Lorenzo, sampu ng inyong mga tauhan, sa pagkababawas ng mga prehuwis-yong masasamang elemento sa siyu-dad, masasabing malaking kabawasan ito sa puwedeng mangyaring holdapan sa lungsod.

Kaya,  ‘wag ismolin ang city hall police detachment, palaban din ang yunit na ito.

Congratulations!

AKSYON AGAD – Almar Danguilan

About Almar Danguilan

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *