Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Wikang Filipino at Midya, paksa sa Lekturang Norberto L. Romualdez

INAANYAYAHAN ang publiko na dumalo sa idaraos na taunang Lekturang Norberto L. Romualdez sa 6 Hunyo 2017, 8:00nu–12:00nh sa Awditoryum ng Hukuman ng Apelasyon, Ermita, Maynila.

Sa taóng ito, tagapanayam ang brodkaster na si Howie Severino. Tatalakayin niya ang naging papel ng midya pagpapalaganap ng wikang Filipino.

Ang Lekturang Norberto L. Romualdez ay serye ng lektura na sinimulan noong 2015. Layunin nitong makaipon ng mga intelektuwalisadong panayam hinggil sa araling kultural.

Idaraos ito bilang pagpaparangal kay Norberto L. Romualdez — naging Mahistrado ng Kataas-taasang Hukuman ng Filipinas, at bilang mambabatas ay arkitekto ng Batas Komonwelt Blg. 184 na lumikha sa Surian ng Wikang Pambansa (ngayon ay Komis-yon sa Wikang Filipino) na na-ngasiwa sa pagpili ng Wikang Pambansa.

Bukás ito sa publiko. Walang babayarang rehistrasyon, bagaman limitado ang KWF sa pagtanggap ng unang 30 kalahok.

Para sa pagpapatala, tumawag sa 708-6972, 243-9855, 736-2525, hanapin si Pinky Jane Tenmatay o Miriam Cabila.

Tatanggap kami ng tawag hanggang 19 Mayo 2017.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw Tabloid

Check Also

MegaFUNalo Gioco Technologies

Partnership ng MegaFUNalo at Gioco Technologies inilunsad

OPISYAL na nakipag-partner ang MegaFUNalo sa Gioco Games, isang all-Filipino na game development studio, upang …

FGO Logo

Libreng seminar ng FGO Herbal Foundation

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Magandang araw po! Ang FGO Herbal Foundation ay …

Jennifer Boles

Jhen Boles deadma sa paninirang natatanggap

MATABILni John Fontanilla IPINAPASA-DIYOS na lang ng businesswoman at philanthropist na si  Jennifer Boles ang mga taong …

KALARO Jun Lasco Darren Bautista

KALARO: Pagbuo ng Kinabukasan ng Sports sa Pamamagitan ng Isang Pinag-isang Digital Ecosystem

BAGO pa man naging isang Sports Super-App ang KALARO, ang kuwento nito ay nagsimula na …

DOST SOCCSKSARGEN DRRM RDRRMC XII

DOST XII RD Malawan and DRRM Focal Gain Awards during SOCCSKSARGEN DRRM Recognition Ceremony

The Regional Disaster Risk Reduction and Management Council XII, in partnership with the Office of …