Dagdag naman ni Bela, “sobrang mabibilib ka kay Echo kasi noong nag-pass away ‘yung father niya on a Thursday, akala ko, wala kaming shoot for a week, pero sinabihan ako ng team na, ‘okay mag-shoot si Echo ng Saturday’, parang two days after lang, willing to work na siya ulit. Kaya nagulat pa ako.”
Nabanggit din ni Bela na sobrang down to earth si Echo considering na malayo na ang narating nito.
“Si Echo is one of the accomplished actors that we have, pero pagdating niya sa set, nilalaglag niya lahat ‘yun, ayaw niyang bigyan namin siya ng special treatment.
“Kung lahat kami, nagkukulitan, minsan ayaw namin siyang istorbohin dahil baka pagod, galing sa taping, siya na mismo ‘yung may initiative na makipagkulitan din sa amin.
“Very humble, nakagugulat for his status to be that humble and sana, marami pa tayong makatrabaho na ganitong tao na walang kaere-ere, sobrang bait,” kuwento ng aktres.
FACT SHEET – Reggee Bonoan