Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Arron, happy sa mga violent reaction sa social media

BUKOD kay Dimples Romana bilang si Amanda na salbahe sa inang si Gloria Alegre sa The Greatest Love, kasama rin si Arron Villaflor sa kinasusuklaman sa kuwento bilang si Paeng dahil sobrang pasaway sa ina.

Kaya tulad ni Dimples ay ano naman ang reaksiyon ni Arron sa mga taong galit na galit sa kanya.

“Mas hate na ngayon si ate Amanda kaysa akin kasi bati na kami ng nanay ko, ha, ha, ha,” tumawang sabi ni Arron.

Dagdag pa, “actually, nagpapasalamat ako sa karakter ko, sobrang blessed nga ang karakter ko kasi from black, he went to grey, ngayon puti na so ‘yun na talaga, clear na ako, tanggap na kung ano ang buhay ng Alegre ngayon.

“Happy ako sa project na ito at hindi ako nagdalawang isip para tanggapin ito, thank you Ms Ginny (Ocampo-business unit head) dahil bago ko tanggapin ang project na ito, pinag-usapan namin ang karakter ko and I’m so thankful and blessed dahil maganda ang journey ni Paeng.”

Kapag may nababasa si Aaron na violent reactions sa social media ay masaya siya dahil effective siya sa karakter niya bilang si Paeng at higit sa lahat alam niya na sa bawat tao ay nakare-relate sa karakter niya.

“Sa lahat ng mga nagagalit kay Paeng o nakaiintindi kay Paeng, for sure mayroon ding silang puso para sa mga nasaktan nila at binibigyan din sila ng pagkakataon para mag-sorry sa mga nasaktan nila at iyon ang nagyari sa akin dito (kuwento ng TGL),” pahayag ni Aaron.

At sa nalalapit na pagtatapos ng The Greatest Love, aminado ang buong cast na mami-miss nila ang bawat isa dahil iisang pamilya sila.

“Oo, sobrang mami-miss namin ‘yung kulitan namin sa set, ‘yung lagi kaming nagkakantahan, ‘yung nagla-live ako parati sa set tapos ipo-post sa Instagram. Marami kaming mami-miss talaga,” say ng aktor.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …