Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Baguhang singer na si Kaye Cal, proud lesbian

MULA sa Pilipinas Got Talent hanggang sa We Love OPM, ang Acoustic Soul Artist na si Kaye Cal ay handa nang magpakilig sa paglulunsad ng kanyang unang solo album mula sa Star Music.

Nagsimulang makilala sa Kaye bilang lead vocalist ng Ezra Band na isa sa mga naging grand finalist ng Pilipinas Got Talent Season 1. Tinuloy niya ang solo career sa kanyang Youtube channel at bilang isa sa mga artists ng Himig Handog at OPM Fresh ng Star Music. Siya rin ay naging bahagi ng team ni Nyoy Volante sa We Love OPM.

Mayroong siyam na awitin sa self-titled album ni Kaye. Dalawa rito ay siya mismo ang nagsulat, ang Rosas at Mahal Ba Ako ng Mahal Ko.

Bahagi rin ng track list nito ang ilan sa mga pinasikat niyang covers, ang all-time Pinoy favorite na Why Can’t It Be, Ikaw Lang, at ang isang collaboration ni Kaye kasama sina Maya at Michael Pangilinan, ang revival song na Kung Ako Na Lang Sana.

Mayroon ding apat na bonus tracks sa album kasama na ang awitin ng Ezra Band na Walang Iba at ang kanyang sumikat na single, Isang Araw, na bahagi ng Star Music OPM Fresh compilation.

Kasama rin dito ang awitin ni Kaye na Nyebe mula sa Himig Handog’s P-Pop Love Songs 2016, pati na rin ang Give Me a Chance mula naman sa official soundtrack ng teleseryeng Til I Met You.

Ang mga awitin ng album na ito ay siguradong patok sa mga hopeless romantic fans, gaya ng kanyang mga acoustic covers noong mga nakaraang taon.

Si Kaye ay nagmula sa Davao del Sur at isang proud lesbian at miyembro ng LGBT community. Bukod sa pagtugtog ng gitara, kilala rin siya sa kayang ‘soulful’ at ‘masculine singing voice’.

Panoorin siya ng live sa kanyang grand album launch na magaganap sa Linggo, March 19, 7:00 p.m. sa Starmall Alabang.

Ang Kaye Cal album ay ipinrodyus ni Rox Santos at malapit nang mabili sa halagang P199 lamang sa lahat ng record bars nationwide. Maaari ring ma-download ang digital tracks nito sa online music stores tulad ng iTunes, Apple Music, at Spotify.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …