Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Erik Santos sinang-ayunan si Vice, mga hurado may iba-iba ring desisyon

BILANG isa si Erik Santos sa celebrity judges ng Tawag ng Tanghalan ay hiningan namin siya ng komento tungkol sa pahayag ng It’s Showtime host na si Vice Ganda na hindi lahat ng napipiling manalo ng mga hurado ay pabor sila, pero wala aw silang magagawa dahil desisyon  iyon ng mga hurado at wala silang karapatang kuwestiyonin.

Sabi ni Erik, ”actually kami rin namang mga hurado may iba’t iba rin kaming pagtingin. May mga personal kaming pagtingin sa bawat contestant. Minsan kapag nagko-compare notes kami, (sabi ni Erik), ‘ay ‘yung panalo mo, iba sa panalo ko. Kumbaga hindi mo maku-kuwestiyon iyon kasi sariling desisyon iyon at sariling preference ng hurado.

“Ako rin mismo, may mga resultang hindi rin ako pabor, pero ganoon talaga, it’s 50% people’s choice and 50% Hurados choice.”

Hindi naman itinanggi ni Erik na may mga personal siyang paborito pero hindi niya binanggit dahil baka makaapekto sa gaganaping finals (kahapon).

“Mayroon din akong ibinoboto by text. Sa text votes, mayroon din akong personal favorite. Pero kapag umupo na ako as a judge, ‘yun na ‘yong dedepende kung ano ‘yong performance nila on that day. I know the feeling kasi galing ako sa ganoong sitwasyon, eh,” paliwanag ng King of Teleserye themesongs.

At pagkatapos ng TNT finals ay, ”after ng competition, mayroon akong gustong tulungan, siyempre.

“Nandoon na ako ngayon, he, kung gusto nilang magpaturo o magpa-mentor, why not?”

Gusto mag-give back ni Erik kaya gusto niyang maging mentor din sa mga contestant kagaya niya noon.

“Sa mga natutuhan ko, sa experiences ko in the past 14 years, parang it’s very fitting now. Lalo na ngayong dumarating ‘yung mga produkto ng singing contests, na 14 years ago, ako ‘yung nandoon, eh.

“Parang for me, ‘yon ang pinakamagandang i-contribute sa OPM at sa kanila na rin, na matulungan sila in my own little way,” pahayag pa ni Erik.

Samantala, sa gaganaping concert ni Erik na may titulong Erik Sings Greatest OPM Classics sa Abril 7 sa The Theater Solaire Casino and Resort ay siya mismo ang magdidirehe at sumulat ng script.

Matagal nang gustong gawin ito ni Erik para level-up na ang singing career niya.

Special guests sa show sina Yeng Constantino, Marcelito Pomoy, Ogie Alcasid,at si Homer Flores naman ang musical director.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …