Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kiana nabigla, napaamin sa relasyon nila ni Sam

ALAM kaya ni Kiana Valenciano na mao-on  the spot siya ni Vice Ganda sa guesting niya noong Linggo sa Gandang Gabi Vice?

Napaamin na kasi ni Vice si Kianna na boyfriend niya si Sam Concepcion na ang alam namin ay ayaw pa itong ipaamin ng magulang ng dalaga lalo na ng mama niyang si Ms. Angeli Pangilinan-Valenciano.

Nagulat si Kianna sa tanong ni Vice na, “may boyfriend ka ba? Kayo na ni Sam?” bagay na pati ang pinsan niyang si Donny Pangilinan ay naaliw sa kanya.

Nauna naming nakapanayam si Kianna sa Viva office noong nakaraang taon para sa contract signing niya as new Viva talent at tinanong siya kung sila na ni Sam at ngumiti lang ang dalaga.

Napantingin din siya sa kanyang mama Angeli at sumenyas itong huwag pag-usapan o aminin.

Pero nangulit kami at inaming, “we’re friends, we’re close. Eversince naman we’re close kasi magkasama kami (Sam) sa Repertory (Philippines).”

Hirit namin kung kilala niya si Jasmin Curtis-Smith na ex-girlfriend ni Sam at ngumiti lang ang dalaga, pero hirit niya, “but I know his boyfriend now, Jeff Ortega, he’s a friend of ours.”

Mabilis naming sagot ng, ‘small world.’

Sa kakukulit ni Vice kung matagal na sina Kianna at Sam at kung ilang months na ay napa, “Oh, my gosh!” na lang ang dalaga at sabay umarteng pa-girl.

Muling sundot ni Vice, “pero officially kayo na?” at tumango si Kianna.

Hindi kaya dapat si Sam muna ang umamin bago si Kianna?

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …