Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Yassi, bagong dance partner ni Rayver

HANGGANG ngayon ay hinihintay ang anunsiyo ng Star Cinema kung sino ang gaganap na Darna sa pelikulang ididirehe ni Erik Matti.

Bagamat si Angel Locsin naman ang nasa utak ng lahat ay hindi maiiwasang magduda pa rin dahil as of now ay hindi nababalitang nagso-shoot ang aktres bukod pa sa may ibang tinatapos na project si direk Erik, iba pa ‘yung OTJ mini-series para sa HOOQ ngayong Marso.

May bulong-bulungang si Yassi Pressman na ang gaganap na Darna since ABS-CBN talent na siya. Pero hirit naman ng iba, “imposibleng ibigay ng Start Cinema sa hindi homegrown talent.”

May mga supporter din ang dalaga na nagsabing bagay siyang maging Darna.

Si Yassi ay mina-manage ng Viva Agency ni Ms. Veronique del Rosario kasama sina Nadine Lustre, James Reid, at Anne Curtis.

Mukhang aware naman ang leading lady ni Coco Martin sa FPJ’s Ang Probinsyano na hindi siya mapipili dahil sa sagot niyang, “sobrang laking honor even If I don’t get to play the role na kung isa ako sa mga iniisip nila na posible, sobrang nakatutuwa. Just the fact na naiisip nila (fans) ako na dapat maging part ako, thankful.”

Sa katatapos na contract signing ni Yassi sa ABS-CBN ay ang Ang Probinsyano palang ang isa sa nabanggit na projects niya.

Marami ring pumuri sa production number nila ni Rayver Cruz sa ASAP kamakailan at siya na raw ba ang dance partner ng aktor?

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …