Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Maseselang eksena ng The Better Half nirebyu, nagandahan kaya ‘di basura

DUMAAN naman pala ang mga maseselang eksena ng The Better Half sa board members ng MTRCB na nagrebyu nito at nakita nila ang ganda ng buong palabas at nilagyan mismo ng ABS-CBN ng rating na SPG o Strong Parental Guidance.

Kaya bakit tinawag na ‘basura’ ng bagong upong board member at blogger na si Mocha Uson ang nasabing programa?

Simula noong umere ito noong Lunes, Pebrero 13 ay pinag-uusapan na ito nang husto dahil maganda ang pagkakagawa ng love scenes at istorya at maganda ang pagkakaganap din ng mga artistang sina Shaina Magdayao, JC De Vera, Carlo Aquino, at Denise Laurel dahil hindi malaswa.

Bukod dito ay maraming viewers ang nakare-relate sa buhay ni Camille (Shaina) na nawalan ng minamahal dahil sa trahedya. Pero bumangon at nilimot niya ang nakaraan para ituloy ang kanyang buhay. Ipinakita rin naman nito na hindi dapat tayo maging tulad ni Bianca (Denise) na hayok sa pag-ibig dahil nakasisira ito ng bait.

Hindi ito basta-basta inaprubahan lang ng MTRCB. Nakita ng mga miyembrong nag-rebyu ang aral na ibinabahagi ng The Better Half sa mga manonood.

Ipinakikita ng serye ang suliranin ng mga taong nagmamahal, hindi lang para sa asawa kung hindi pati na rin sa pamilya at kaibigan.

Sabi nga ng kasamahan namin sa panulat na si Ogie Diaz sa kanyang Facebook post, dapat nakipag-meeting muna si Uson sa MTRCB board bago siya nagsumbong sa publiko. At sa ganitong paraan natin makukuha ang solusyon na hinahanap natin, hindi sa pagsusumbong sa taumbayan.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …