Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Daddy ni Angel, nakapagpu-push up at malakas pa ang pandinig sa edad 90

POST ni Angel Locsin sa kaarawan ng amang si Ginoong Angel Colmenares noong Sabado, ”to the best dad in the world: thank you for being there for me, and for urging me to be better and fight harder. I wouldn’t be who I am without your kind words and wise guidance. Happy 90th Birthday, Daddy!”

Binigyan ng birthday party ng magkakapatid na Colmenares ang kanilang ama na ginanap sa The Blue Leaf Cosmopolitan, Libis Quezon City noong Sabado pero ang tunay na kaarawan ni Daddy Angel ay noong Biyernes, Pebrero 17.

Marami ang humanga na umabot na sa 90 years old ang ama ng aktres dahil sa mga nangyayari ngayon ay bihira na ang tumatagal sa ganoong edad.

Bukod dito ay maganda ang pangangatawan ni Daddy Angel at pati tindig ay maganda rin kaya tinanong namin ang isa sa kapatid ni Angel na si Ella Colmenares-Sabino kung ano ang pagkain at vitamins nito?

“Hindi kasi kumakain ng pork si daddy kasi Sabadista siya. Hindi rin kumakain ng marami sa gabi at mahilig siya sa prutas. Nag-e-exercise siya regularly, nagsu-swimming siya, jogging in place, stationary bike, push ups lahat from head to toe, nagpapa-araw every morning habang nag-e-exercise.”

Ay grabe Ateng Maricris, kaya ba natin ang disiplinang ito?

Kaya naman hanggang ngayon ay malinaw pa rin ang pandinig ng tatay nina Angel at ramdam din niya kung may problema ang mga anak lalo na ang anak niyang nasa showbiz.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …