Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bugoy Cariño, isinama sa Hashtags, isa na ring Kilig Ambassador

KADALASAN kapag nasa adolescent stage na ang isang batang artista ay nawawala dahil sa awkward stage pero hindi mangyayari iyon kay Bugoy Cariño na grumadweyt na sa Goin’ Bulilit dahil kasama na siya sa grupong Hashtags.

Sa madaling salita tuloy-tuloy pa rin ang exposure ni Bugoy dahil nagdagdag ng bagong miyembro ang Hashtags kasi nga naman hindi na sila nakukompleto dahil karamihan sa kanila ay may tapings o shootings na.

Mahusay talagang sumayaw si Bugoy kaya kinuha siyang kilig ambassador ng grupo.

Aniya, ”hindi na bago sa akin ang pagsasayaw at showbiz. Pero itong maging kilig ambassador, ibang Bugoy ang makikita niyo.”

Makakasama rin ni Bugoy sina dating Pinoy Boyband Superstar contestant na siWilbert Ross, Maru Delgado, CK Kieron, Kid Yambao, Rayt Carreon, Vitto Marquez, at Franco Hernandez.

Kasama pa rin ang original na Hashtag members na sina Zeus Collins, Jimboy Martin, McCoy De Leon, Nikko Natividad, Tom Doromal, Jameson Blake, Paulo Angeles, Jon Lucas, Ryle Santiago, Luke Conde, at Ronnie Alonte.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …