Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pacquiao vs Horn sa UAE, kasado na

“SEE you in UAE for my next fight.”

Iyan ang mismong mga kataga ni ‘Pambansang Kamao’ Manny Pacquiao sa kanyang personal na twitter account na @mannypacquiao kamakalawa upang kumpirmahin ang susu-nod na laban sa Abu Dhabi, United Arab Emirates kontra undefeated Australian Jeff Horn sa darating na 23 Abril.

Salungat sa mga naunang ulat na sa hometown ni Horn sa Brisbane, Australia ay nauwi sa Abu Dhabi ang superfight na dedepensahan ng eight-division world champion ang kanyang World Boxing Organization (WBO) welterweight belt.

Matatandaang sa nakalipas na mga buwan ay sumasailalim na sa negosasyon ang Top Rank big boss at promoter ni Pacquiao na si Bob Arum at ang Duco Events na humahawak naman kay Horn sa pangunguna ni Dean Lonergan.

Naagaw ni Pacquiao ang WBO belt mula sa unanimous decision kontra dating kampeon na si Jessie Vargas noong Nobyembre.

Nakatakda ang laban sa 147 pounds at susubuking tagumpay na maidepensa ng Filipino senator ang kanyang titulo kontra sa 29-anyos at hindi pa natatalo na si Horn.

Samantala, habang hindi pa naisasapinal ang laban ay nagmitsa ng usapan si Pacquiao sa social media nang tanungin ang mga fans kung sino ang nais nilang sunod niyang makatapat sa pagitan nina Horn, Amir Khan, Kell Brook at Terrence Crawford.

Inaasahang lalabas na ang buong detalye sa mga susu-nod na linggo ukol sa inaabangang pagbabalik ng Filipino champion.

ni John Bryan Ulanday

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Bryan Ulanday

Check Also

Alex Eala

Eala pinatalsik si Sakatsume, pasok sa quarters

SA KABILA ng makapal na benda sa kanyang kanang hita, nagpakita ng katatagan si Alex …

PVL Premier Volleyball League

Pagpapatuloy kaysa pagbabago: Tumaya ang mga koponan ng PVL sa chemistry

HABANG umikot ang karamihan sa usapan ng offseason ng Premier Volleyball League (PVL) sa mga …

KALARO Jun Lasco Darren Bautista

KALARO: Pagbuo ng Kinabukasan ng Sports sa Pamamagitan ng Isang Pinag-isang Digital Ecosystem

BAGO pa man naging isang Sports Super-App ang KALARO, ang kuwento nito ay nagsimula na …

Alex Eala

Eala winalis si Charaeva sa PH Women’s Open

SA inspirasyon ng home crowd at sa kabila ng pangamba sa posibleng injury, winalis ni …

NST-IAC BBM Pato Gregorio

National Sports Tourism Committee naglatag ng masigasig na estratehiya para sa paglago ng ekonomiya

MABILIS na umuusbong ang sports tourism bilang pinaka-dinamikong tagapaghatak ng pandaigdigang sports economy, at determinado …