Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sonsona brothers magpapakitang-gilas

SUMUMPA ang magkapatid na Eden at Lolito Sonsona ng General Santos City na pareho nilang duduplikahin  ang naging tagumpay ng pinsan nilang si dating WBO world super flyweight champion Marvin “Marvelous” Sonsona sa magiging laban nila sa February 26 sa Lagao Gym.

Si Eden na  dating WBC international Silver super featherweight champion ay haharapin si Jovany Rota para sa bakanteng WBF  international super featherweight crown.

Samantalang si Lolito ay mahaharap naman kay dating Philippine light flyweight champion Renren Tesorio ng Palawan para sa bakanteng  WBF Asia Pacific super flyweight title.

Samantala, ito ang ikalawang comeback fight ni Eden pagkaraan ng 18 buwang pamamahinga pagkatapos na masungkit niya ang WBC international Silver Super featherweight title sa pamamagitan ng 2ndround technical knockout laban kay Mexican Adrian Estrella sa Mexico noong May 16, 2015.

Ang laban ng magkapatid na Sonsona ay bahagi ng bakbakang pinamagatang “Laban Pinoy 3: Rise of Champions”  ng Sanman Promotions at Solar Sports.

(ARABELA PRINCESS DAWA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Arabela Princess Dawa

Check Also

Alex Eala

Eala pinatalsik si Sakatsume, pasok sa quarters

SA KABILA ng makapal na benda sa kanyang kanang hita, nagpakita ng katatagan si Alex …

PVL Premier Volleyball League

Pagpapatuloy kaysa pagbabago: Tumaya ang mga koponan ng PVL sa chemistry

HABANG umikot ang karamihan sa usapan ng offseason ng Premier Volleyball League (PVL) sa mga …

KALARO Jun Lasco Darren Bautista

KALARO: Pagbuo ng Kinabukasan ng Sports sa Pamamagitan ng Isang Pinag-isang Digital Ecosystem

BAGO pa man naging isang Sports Super-App ang KALARO, ang kuwento nito ay nagsimula na …

Alex Eala

Eala winalis si Charaeva sa PH Women’s Open

SA inspirasyon ng home crowd at sa kabila ng pangamba sa posibleng injury, winalis ni …

NST-IAC BBM Pato Gregorio

National Sports Tourism Committee naglatag ng masigasig na estratehiya para sa paglago ng ekonomiya

MABILIS na umuusbong ang sports tourism bilang pinaka-dinamikong tagapaghatak ng pandaigdigang sports economy, at determinado …