Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Fencing equipment

UE kampeon sa fencing

NAKAMIT ng  University of the East ang kanilang inaasam na championship double matapos hablutin ang korona sa men’s at women’s division ng UAAP Season 79 fencing tournament kahapon sa UST Quadricentennial Pavilion Arena.

Kinalawit ng Red Warriors ang gold sa men’s team epee event sa nakulektang 4-2-2 gold-silver-bronze upang kompletuhin ang five-peat at 11th overall.

Giniba  ng UE ang University of Santo Tomas (2-2-2) at University of the Philippines (0-2-3).

Magandang despedida para kay Nathaniel Perez ang championship, muling sumikwat ng season MVP award.  Ito ang ikatlong pagkilala sa galing ng  beterano ng mga international competitions.

Pinakyaw naman ng Lady Warriors  ang gold medals sa women’s team epee at sabre events sa final day upang pahabain ang kanilang dominasyon sa 10 seasons.

Sumikwat ang UE ng  4-2-2 haul upang ungusan ang Ateneo na tumapos ng second na may 1-2-3 tally habang tersera ang UST  (1-1-1).

Hinirang na season MVP si Andie Ignacio, kauna-unahang Lady Eagle na nanalo sa nasabing pinakamataas na individual award sapul nang manalo ni Victoria Grace Garcia noong 2007.

Si Gerry Hernandez ng UP ang men’s Rookie of the Year. (ARABELA PRINCESS DAWA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Arabela Princess Dawa

Check Also

Alex Eala

Eala pinatalsik si Sakatsume, pasok sa quarters

SA KABILA ng makapal na benda sa kanyang kanang hita, nagpakita ng katatagan si Alex …

PVL Premier Volleyball League

Pagpapatuloy kaysa pagbabago: Tumaya ang mga koponan ng PVL sa chemistry

HABANG umikot ang karamihan sa usapan ng offseason ng Premier Volleyball League (PVL) sa mga …

KALARO Jun Lasco Darren Bautista

KALARO: Pagbuo ng Kinabukasan ng Sports sa Pamamagitan ng Isang Pinag-isang Digital Ecosystem

BAGO pa man naging isang Sports Super-App ang KALARO, ang kuwento nito ay nagsimula na …

Alex Eala

Eala winalis si Charaeva sa PH Women’s Open

SA inspirasyon ng home crowd at sa kabila ng pangamba sa posibleng injury, winalis ni …

NST-IAC BBM Pato Gregorio

National Sports Tourism Committee naglatag ng masigasig na estratehiya para sa paglago ng ekonomiya

MABILIS na umuusbong ang sports tourism bilang pinaka-dinamikong tagapaghatak ng pandaigdigang sports economy, at determinado …