TINANONG ang Star Magic pioneers sa ginanap na 25th Anniversary Thanksgiving presscon noong Linggo na sina Piolo Pascual, Angelica Panganiban, Jodi Sta. Maria, Jericho Rosales, John Lloyd Cruz, at Bea Alonzokung bakit hindi nila naisipang lisanin ang Star Magic Talent Management?
Bilang pinakamatagal na sa Star Magic, si Angelica ang naunang sumagot.
“Wala naman pong choice, ha, ha. Parang Star Magic lang ‘yung alam (talent management) ko. Never talagang pumasok sa isip ko na maghanap ng ibang magma-manage ng career ko, siguro malalim na ‘yung tiwalang nabuo ko sa Star Magic, kina Mr. M (Johnny Manahan) at Tita Mariole (Alberto) para mag-invest ulit ako sa bagong tao. So, I think sobrang lalim na niyong relationship. So kung mawawala sila (Star Magic), ima-manage ko na lang ang sarili ko,” katwiran ni Angelica.
Katwiran naman ni Jodie, ”siguro po dahil walang rason (lumipat), kasi wala rin namang nag-offer. Seriously po, wala naman akong reason to leave, ganoon lang kasimple ‘yun. And panatag ako sa alagang ibinibigay sa akin ng Star Magic.”
Say naman ni JLC, ”hindi na pinag-uusapan ‘yan. That’s out of the question, you’re with the best talent firm in the country, so hindi mo na iisiping pumunta sa second best?
Magandang sabi naman ni Bea, ”since na-bring up na ni Jericho (family), ‘yung mga handler namin, akala n’yo madali lang ginagawa nila, pero sobrang hirap. May mga pagkakataong sarili nilang pamilya nakalilimutan nila dahil lang sa pag-aalaga sa amin, kaya isa iyon sa dahilan sa malaking rason kung bakit nandito pa rin kami.”
Paliwanag ni Piolo, ”Since I started my career with ABS-CBN, I’m gonna end with them as well, parang I’d rather retire or leave. This is always been my choice. If not for ABS or Star Magic to Mr M, tita Mariole, all of them, our bosses Tita Malou (Santos), sir Carlo (Katigbak), EL, ma’amm Charo (Santos), all of them. If not because of them, ‘yung collaborative effort na ibinibigay ng lahat, ‘yun po ‘yun.”
At ang tinaguriang pasaway ng Star Magic dahil sinubukang umalis, pero bumalik din na si Jericho, ”Iba naman kasi ‘yung case ko kasi alam naman ng lahat na rebelde ako rati, ‘di ba? It’s not the people I’ve work with, it’s the journey that I took, so, I’m very happy with my decisions and kung sinuman ‘yung mga nakatrabaho ko rati, really added to my life, wisdom, directions etcetera. Point is, I started with Star Magic (Star Circle Batch 4), this is a healthy happy loving family and you always go back to family, ‘di ba? But along the way, you discovered people na puwede mo rin maging Kapamilya, ‘yun naman ang point ng life, it doesn’t have blood related all the time, so this is my family, Star Magic,” paliwanag mabuti ng aktor.
Ang mga nabanggit na pioneer ng Star Magic ay masasabing nasa tuktok pa rin ng kanilang careers dahil halos lahat ng projects nila ay blockbuster at nangunguna sa ratings game, maging sa pag-eendoso ng produkto ay nangunguna pa rin sila sa listahan ng top advertisers.
Abala sa kanya-kanyang serye, pelikula, concert at shows
Samantala, sinilip namin ang Star Magic calendar para sa taong ito (2017) at halos lahat ng artista nila ay abala tulad nina Zanjoe Marudo (wala sa presscon) na may seryeng My Dear Heart; Bea sa A Love to Last; Wildflower naman kay Maja Salvador kasama sina Joseph Marco at Vin Abrenica; Better Half naman kina Shaina Magdayao, JC De Vera, Carlo Aquino, at Denise Laurel.
Sina Liza Soberano at Enrique Gil naman ay mapapanood ngayong Pebrero 15 sa pelikulang My Exs and Whys kasabay din ng pelikulang I’m Drunk I Love Younina Paulo Avelino at Maja Salvador produced ng TBA (Tuko Films/Buchi Boy Productions at Artikulo Uno Productions).
Busy month din ang Pebrero sa Kapamilya Divas na sina KZ Tandingan, Angeline Quinto, Kyla, at Yeng Constantino bilang parte ng Star Magic tour simula sa Pebrero 17 sa Alex Theater, Los Angeles; Pebrero 18-Pechanga Casino, San Diego, at Pebrero 19 sa Pittsburg High School, San Francisco.
May ganap din ngayong Marso sina Sofia Andres, Devon Seron, at Joseph Marco na magbubukas sa Marso 8 ang pelikula nilang Pwera Usog; sa March 29 naman ang Northern Lights movie nina Piolo at Yen Santos at posibleng makasabay din ng Luck at First Sight nina Jericho at Bela Padilla.
Magkakaroon din ng Digital concert ang tinaguriang OPM Pop Sweet Heart na si Janella Salvador sa Marso 5. Sa MOA Arena naman gaganapin ang Birit Queen sconcert nina Angeline Quinto, Klarisse de Guzman, at Jona sa Marso 31.
Philippine representative naman si Gerald Anderson sa gaganaping Los Angeles Marathon sa Marso 19; at magkakasama sina Piolo, Matteo Guidicelli, at Ivan Carapiet sa Annual Ironman 70.3 sa Cebu ngayong Agosto.
Sa Abril naman mapapanood ang much-awaited movie ng KathNiel na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo na may titulong Can’t Help Falling in Love kasama si Matteo at may serye rin silang La Luna Sangre.
May concert din si Erik Santos sa The Theater Solaire sa Abril 7 na siya rin mismo ang direktor at writer.
Mapapanood din sina Piolo, Sam Concepcion, Liza, Enrique, Kim Chiu, Janella, Rayver Cruz, Darren Espanto, Robi Domingo, Eric Nicolas, at Bea sa Star Magic Tours courtesy of The Filipino Channel (TFC) na magsisimula sa Tampa, Florida (Abril 8); Vancouver, Canada (ABril 9); at San Francisco (Abril 15).
Sina Piolo, Sam, Rayver, Robi, Xian Lim, at Kim naman ang may one-night only event sa Las Vegas, Nevada sa Abril 14.
At hahalakhak naman ang lahat sa concert na Coco X Funtastic 4 nina Pokwang at Chocoleit sa Toronto, Canada sa Abril 7, Montreal-Abril 8, New York City-Abril 9, Santa Ynez California sa Abril 14 at Glendale, Los Angeles sa Abril 15.
Star Magic Anniversary at Star Magic Ball
At ang pinakahihintay ng lahat ng supporters ng Kapamilya talents ay ang mangyayari sa Mayo 21 sa Grand 25th Star Magic Anniversary Celebration sa Smart Araneta Coliseum.
Sa Mayo rin ipalalabas ang biopic ng Gregorio del Pilar na Goyo: Ang Batang Heneral mula sa TBA Productions na pinangungunahan ni Paulo Avelino kasama sina Aaron Villaflor at Jason Abalos at may launching movie naman si Sofia na may titulong Yaying.
At sa Setyembre 9 naman ang ika-11 Star Magic Ball na gaganapin sa Makati Shangri-la Hotel kasabay ang launching ng digital version ng annual Star Magic Catalogue.
Sa kabilang banda, sa ginanap na thanksgiving ay nagpakitang gilas ang grupongHashtags, kasama sina Enchong Dee, Rayver, at Shaina Magdayao sa entertainment press sa kanilang magandang production number.
Sinundan ng Kapamilya leading men sa pangununa nina Gerald, Ejay Falcon,Jake Cuenca, JC, Matteo, at Sam.
Hindi naman nagpahuli ang mga Star Magic love teams na sina Daniel /Kathryn;Elmo Magalona/Janella Salvador; Bailey May/Ylona Garcia; Diego Loyzaga/Sofia; Joshua Garcia/Julia Barretto/Ronnie Alonte; at Enrique /Liza.
FACT SHEET – Reggee Bonoan