Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

82-anyos birthday lola patay sa sunog sa Tondo

021417_FRONT
PATAY ang isang 82-anyos lola na nagdiriwang ng kanyang kaarawan, nang ma-trap sa nasusunog na bahay sa Tondo, Maynila, kahapon.

Kinilala ang biktimang si Lorenza Calimag, nakatira sa Madrid St., Tondo.

Nasagip ng mga tauhan ng Manila Bureau of Fire Protection, ang dalawang kaanak ng biktima na sina Jong Jeric Ca-limag, 23, at Michelle Ca-limag, 21, mula sa ika-apat palapag ng bahay na pag-aari ni Arlene Jime-nez.

Ayon sa ulat, dakong 1:00 pm nang magsimula ang sunog sa ground floor, at mabilis na kumalat ang apoy sa kata-bing mga bahay.

Tinatayang P2 milyon ang halaga ng natupok na mga ari-arian sa sunog na naapula dakong 1:43 pm.

700 PAMILYA
NASUNUGAN
SA KYUSI

MAHIGIT 700 pamilya ang nawalan ng bahay makaraan, masunog ang isang residential area sa Brgy. Damayang Lagi, Quezon City nitong Linggo ng hapon.

Ayon sa ulat, nagsi-mula ang sunog dakong 2:30 pm ngunit dakong 3:30 pm, itinaas ang alarma sa Task Force Alpha. Idineklarang kontrolado na ang sunog dakong 5:20 am.

Mahigit 50 firetrucks ang nagresponde sa insidente. Mabilis na kumalat ang apoy, dahil pawang yari sa light materials ang mga bahay.

Ayon kay Bureau of Fire Protection (BFP) Chief Inspector Aristotle Banyaga, nagsimula ang apoy sa bahay ng isang Ryan Tan.

ni LEONARD BASILIO

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Leonard Basilio

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …