Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Dayanara, game makatrabaho muli si Aga

WALA pala sa bansa ang mag-asawang Aga Muhlach at Charlene Gonzales-Muhlach kaya hindi nila napanood ang interviews ni 1993 Miss Universe Dayanara Torres na willing muling makatrabaho ang ex-boyfriend niya.

Sa panayam ni Boy Abunda sa Tonight with Boy Abunda noong Lunes ng gabi ay inamin ni Dayanara na okay sa kanyang makatrabaho si Aga kung may offer dahil naging maganda naman ang working relationship nila at binanggit din si Paolo Contis na nakasama rin niya.

Aniya, “absolutely, I mean I had a great time working with Aga and everyone in the movie, Paolo Contis, you know, so many people I have a great time and absolutely I would love to do movie if there’s a possibility.”

Tinanong din ang dating beauty queen tungkol sa paghihiwalay nila ni Aga at inamin niyang labis siyang nasaktan.

“It wasn’t a terrible breakup, but I do remember being hurt and wanting to go, wanting to pack my stuff, but you know it was the way it was supposed to be,” sagot nito kay kuya Boy.

Samantala, humingi kami ng panayam kay Aga sa pamamagitan ng manager niyang si Manay Ethel Ramos pero sabi sa amin, “wala sila ni Charlene rito, ‘di ba? Nasa US.  May inaasikaso silang negosyo roon.”

Ang tanong, kung sakaling may offer na pelikula kina Yari at Aga, tatanggapin kaya ng aktor? At anong pelikula kung sakali ang una niyang gagawin, eh, matagal na rin siyang hinihintay nina Lea Salonga at Sharon Cuneta.

Anyway, abangan ang mangyayari sa pagbalik ni Dayanara sa Pilipinas.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …