UMABOT sa 21 katao ang sugatan, kabilang ang 16 bombero, habang 3,000 pamilya ang nawalan ng tirahan, makaraan ang 10 oras sunog sa Area B, Gate 10, Parola, Tondo, Maynila, kamakalawa.
Ayon kay C/Insp. Marvin Carbonnel, fire marshal ng Bureau of Fire Protection-Manila, nagsimula ang sunog dakong 9:41 pm sa bahay ng isang kinilalang si Lola Adan.
Umabot ang alarma ng sunog sa Task Force Delta, at dakong 7:25 am kahapon nang ideklarang fire-out.
Napag-alaman, mabilis na kumalat ang sunog dahil pawang yari sa light materials ang kabahayan.
Tinatayang umabot sa P6 milyon ang halaga nang napinsalang mga ari-arian.
Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng Arson Division sa posibleng sanhi ng sunog.
(LEONARD BASILIO)