Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
supreme court sc

SC nag-isyu ng protection order sa Tokhang family victim

NAG-ISYU ang Supreme Court (SC) ng temporary protection order (TPO), para sa pamilya ng apat drug suspect na napatay sa isinagawang “Oplan Tokhang” sa Payatas, Quezon City, noong nakaraang taon.

Sa naturang kaso, pinangalanan bilang respondent ang PNP sa pangunguna ni Director General Ronald Dela Rosa, Quezon City Police District (QCPD) Director Chief Supt. Guillermo Eleazar,  at QCPD Station 6 commander, Supt. Lito Patay.

Kabilang din dito sina PO1 James Aggaral, at PO1 Melchor Navisaga, mga tauhan ng QCPD.

Sa isinagawang deliberasyon ng SC En Banc, iniutos ng korte sa mga respondent na iwasang lumapit sa bahay at lugar na pinagtatrabahuan ng petitioners sa layong isang kilometro.

Pinagsusumite ng SC ang mga respondent ng “verified return of the writ” sa Court of Appeals (CA) sa loob ng limang araw.

Bukod dito, iniutos ng hukuman sa appellate court na magsagawa ng pagdinig at desisyonan ang petisyon kasama ang iba pang kahilingan ng mga petitioner.

Kapag naideklarang submitted for decision ang kaso, dapat ay makapagpalabas ng desisyon ang CA sa loob ng 10 araw.

Magugunitang naganap ang insidente sa Payatas noong 21 Agosto 2016.

(LEONARD BASILIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Leonard Basilio

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …