Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Luis, ikakasal na sa non-showbiz GF

GOODBYE na sa pagka-binata si Luis Alandy sa susunod na buwan dahil ikakasal na siya sa kanyang non-showbiz girlfriend na si Giselle Fernandez sa Pebrero 17 at kahit na dalawang taon pa lang ang relasyon nila ay nasabi na ng aktor na ‘she’s the one’ kaya bakit kailangang patagalin pa.

Kuwento ni Luis sa presscon ng Swipe mula sa Viva Films, Allud Entertainment, at Ledge Films na idinirehe naman ni Ed Lejano, ”Very cliché, pero ‘yung hinahanap ko talaga na parang someone to be with, siya, eh. Very good family values, sobrang bait niya rin, so siya na talaga.”

Hindi naging balakid sa kanilang relasyon ang malaking agwat ng edad nila dahil 23 years old palang si Giselle at 37 naman ang aktor.

“Nagja-jive kami in terms of everything, sa ugali, hobbies, ‘yung likes and dislikes namin, almost the same,” kuwento ng aktor.

Nagustuhan pa raw ni Luis kay Giselle ang, “her family is very artistic din. Biruin mo, saan ka makakakita, ‘di ba, ‘yung ginawa ko na film two years ago, ‘yung ‘Anino sa Likod ng Buwan’, it was very controversial because of the nudity and the sex scenes, biruin mo buong family sila, nanood sila. Pinanood niya muna, then she recommended it to her whole family na panoorin, nanood silang lahat.

“Very supportive and alam naman niya na ito ang work ko for how many years and she knows naman that I’m responsible to accept or to do films na hindi lang ‘yung basta-basta na (maghuhubad). Alam niya na namimili ako, she knows how artistic my goals are.”

Anyway, sa gaganaping kasal nina Luis at Giselle ay isang garden wedding sa Tagaytay City at malalapit na kaibigan at pamilya lang daw ang imbitado.

Wala pang plano kung saan sila magha-honeymood dahil marami pa siyang tatapusing show at pelikula sa ABS-CBN at maging sa pagbuo ng baby ay hindi pa rin nakaplano kasi gusto muna nilang mag-travel na silang mag-asawa muna.

”Enjoy muna kami. If we are blessed by God na magkaroon (ng anak agad), siyempre, tatanggapin namin but ang initial plan talaga namin is to enjoy each other first, maybe travel siguro together, kasi she loves travelling.”

Bukod kay Luis, kasama rin sa Swipe si Meg Imperial na bida ng pelikula at sina Maria Isabel Lopez, Gabby Eigenmann, at Mercedes Cabral na mapapanood na sa Pebrero 1.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …