Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Meg Imperial, sumubok gumamit ng social dating app

SA ginanap na presscon ng pelikulang Swipe, inamin ni Meg Imperial na may experience na siya sa paggamit ng social dating app na Tinder pero hindi siya nakipagkita sa lalaking naka-chat niya.

Nakabakasyon daw noon si Meg sa isang resort nang sinubukan niya ang Tinder na binanggit sa kanya ng kaibigan niya.

Hindi raw sinipot ng dalaga ang ka-chat dahil natakot siya at ikinuwentong guwapo at matalino ang lalaki.

Para kay Meg, ini-encourage rin ba niya ang mga kabataang gumamit ng social dating application para makahanap ng dyowa?

“Basta huwag nilang basta ibibigay ang mahahalagang information about them, like their address, their exact whereabouts, dapat maging cautious sila palagi sa pakikipag-chat. At huwag basta-basta magtitiwala. Kapag may nakilala kayo, do some research, kilalanin n’yo munang maige para walang pagsisisi sa bandang huli,” pahayag ng bida ng pelikulang Swipe.

Anyway, hindi masyadong visible si Meg noong 2016 pagkatapos ng presscon ng Bakit Manipis Ang Ulap, serye sa TV5 ay dahil tatlong pelikula ang nilalagare niya.

Ang Swipe under Viva Films, Allud Entertainment, at Ledge Films, Higanti, at Kamandang ng Droga na si Direk Carlo J Caparas ang nagdirehe.

Pagkatapos daw ng guesting ni Meg sa FPJ’s Ang Probinsyano bilang love interest ni Pepe Herrera o Benny ay hindi na ito nasundan pa kaya inamin ng dalaga na gusto na niyang magkaroon ulit ng teleserye.

Isang drug addict at asawa niya si Alex Medina na isa ring adik ang papel ni Meg na na-hook sa social dating application.

Medyo matindi ang sexy scenes sa Swipe kaya natanong si Meg kung hindi ba siya naasiwang gawin ito?

“Wala naman akong ipinakitang anything (in the past), hanggang doon lang ako sa ano, as long as—lagi kong sinasabi – may lalim ‘yung story ng film, and kailangan naman talaga, hindi naman ‘yung basta ‘magpa-sexy ka riyan para lang ma-attract ‘yung tao, no. Kinailangan talaga roon sa story so why not do it naman kung para sa story.”

Bukod sa ilang skin exposures ay nag-aral daw manigarilyo ni Meg para maka-relate rin siya sa mga taong naaadik sa yosi.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …