Thursday , December 19 2024
Sipat Mat Vicencio

Panagutin si Noynoy sa SAF44

BUKAS-MAKALAWA, 25 Enero, gugunitain ang ika- 2 anibersaryo ng Mamasapano Massacre. Dalawang taon na ang nakararaan nang tambangan at mapatay ng mga rebeldeng Muslim ang 44 miyembro ng PNP Special Action Force (SAF) sa Tukanalipao, Mamasapano, Maguindanao.

Hanggang ngayon, hustisya pa rin ang isinisigaw ng mga naiwang mahal sa buhay ng tinaguriang SAF44.  Sa ilalim ng pamahalaan ni dating Pangulong Noynoy Aquino, walang hustisyang nakamit ang mga pinatay na miyembrop ng SAF.

Sa kabila ng mga kasong isinampa ng pamahalaan sa 25 miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at 12 sa Bangsamoro Islamic Freedom Fighter (BIFF), malayang pa ring nakagagala hanggang ngayon.

Sa testimonya ni dating SAF chief Getulio Napeñas, lumalabas na merong direktang pananagutan si dating PNP chief Alan Purisima at si Noynoy sa nangyaring operasyon ng SAF na ikinamatay ng 44 miyembro.

At sino rin ang makalilimot sa ginawang pambabastos ni Noynoy sa mga labi ng SAF44? Sa halip kasing makiramay sa mga naulila ng SAF44, pinili pa ni Noynoy na dumalo na sa inagurasyon ng Mitsubishi car plant sa Sta. Rosa Laguna.

Arrival honor sa Villamor Air Base ng mga labi ng SAF44, ipinagpalit sa Mitsubishi car plant! E, di abnormal talaga!

Binalewala ni Noynoy ang ginawang pagsasakripisyo ng SAF44 para sa bayan. Pati medalyang dapat na ipagkaloob sa SAF44 ay naantala rin  dahil sa pagnanais ng administrasyon ni Noynoy na hindi maapektohan ang isinusulong na peace talks sa MILF.

Hindi isinaalang-alang ni Noynoy na sa kabila ng maraming nagbuwis ng buhay sa operasyon ng SAF, matagumpay na napatay nila ang dayuhang teroristang si Marwan.

At hanggang matapos ang termino ni Noynoy, naging mailap ang hustisyang hinihingi ng mga naulila ng SAF44.  Kailangang merong managot sa pagkakapaslang sa 44 miyembro ng SAF.

Kung hindi man nakuha ang katarungan noong nakaraang administrasyon, marami ang umaasa na sa bagong pamahalaan ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte ay mayroong mapaparusahan sa madugong sinapit ng SAF44.

Hindi kailangang palagpasin ni Digong ang nangyari sa SAF44.  Kailangang buksang muli ang usapin ng Mamasapano Massacre, at sa pagkakataong ito, bukod sa mga rebeldeng Muslim, makita rin kung paano pananagutin si Noynoy sa batas.

SIPAT – Mat Vicencio

About Mat Vicencio

Check Also

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Sa 3.6-M SSS pensioners, May 13th month naaaaa!!!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IKAW! Oo, ikaw my dear friend, isa ka ba sa 3.6 …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Victory Liner Inc., goes eco-friendly

AKSYON AGADni Almar Danguilan TAMA ang inyong nabalitaan, ang Victory Liner Inc. (VLI), ang top …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *