INIHAYAG ni House Speaker Pantaleon Alvarez kahapon, dalawang incumbent members ng House of Representatives ang kabilang sa narco-list ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa media briefing, si-nabi ni Alvarez, ang isa dalawang kongresista ay naberipika na ng ilang mga ahensiya bilang “drug protector.”
Gayonman, tumanggi si Alvarez na magbigay ng iba pang detalye kaugnay sa dalawang kongresistang sangkot sa droga, ngunit idiniing ang isa sa kanila ay mula sa Min-danao.
Bukod sa dalawang kongresista, kabilang din sa narco-list ang ilang gobernador, mayors, judges at prosecutors.
Para ‘di maabuso
OPLAN TOKHANG
DAPAT TUTUKAN
NI BATO — RECTO
NANAWAGAN si Senate Minority Leader Ralph Recto kay Philippine National Police (PNP) chief, Dir. Gen. Ronald Dela Rosa na tutukan nang husto ang isinasagawang Oplan Tokhang upang hindi magamit ng scalawags, maabuso at mauwi sa oplan kidnap, lagay o ransom.
Sinabi ni Recto, dapat panagutin ni Dela Rosa ang mga pulis na mapapatunayang nang-aabuso sa pagtupad ng kanilang tungkulin.
Naniniwala si Recto, masisira ang tunay na motibo ng kanilang kampanya laban sa ilegal na droga sa pamamagitan ng Oplan Tokhang kung naaabuso at nagagamit sa masamang gawain.
Binigyang-linaw ni Recto, suportado niya ang kampanya ng pamahalaan para maresolba ang problema sa ilegal na droga sa bansa ngunit dapat higit mabigyan nang proteksiyon hindi lamang ang mga karapatan ng sangkot dito kundi maging ang mga inosenteng sibilyan.
Magugunitang sa kabila nang pagmamalaki ng pamahalaan na matagumpay ang kanilang kampanya laban sa ilegal na droga ay mayroong mga nagreklamo ukol sa pang-aabuso sa mga inosenteng sibilyan.
(NIÑO ACLAN)
195 PNP PERSONNEL
POSITIBO SA DRUG TEST
UMABOT sa 195 pulis at non-uniformed personnel (NUP) ang nagpositibo sa isinagawang random drug test (RDT) ng PNP Crime Laboratory.
Ayon kay C/Supt. Aurelio Trampe, Director ng PNP Crime Laboratory, sa nasabing bilang ay 188 ang pulis at pito ang non-uniformed personnel (NUP).
Ito ay mula sa taon 2016 hanggang ika-17 ng Enero, at 100 porsiyento sa kanila ay gumagamit ng shabu.
Sinabi ni Trampe, ipinasa na nila sa PNP IAS ang resulta nito upang maisalang sa summary dismissal proceedings ang mga nagpositibo.
Dagdag ni Supt. Aileen Rigonan ng Operations Management Division ng PNP Crime Laboratory, ang pinakamarami sa mga nagpositibo ay mula sa Region 4A at NCRPO.
Habang pinakamalinis na Police Regional Office ang Cordillera Administrative Region (CAR) na wala ni isang nagpositibo.
Ang pinakamataas na ranggo sa 188 pulis ay police chief inspector o police major.
HATAW News Team