HINDI pa natatalo si Wesley So sa 44 salang simula noong nakaraang taon matapos makakuha ng tabla kay world champion Magnus Carlsen sa ginaganap na Tata Steel tournament sa Netherlands.
Dahil sa patuloy na pagratsada, mula sa ika-sampu noong nakaraang taon ay umakyat sa ikaapat na ranggo si Grand Master So sa pinakabagong World Chess Federation Rankings (FIDE).
Matatandaang nakasungkit ng ginto si So sa 2016 Olympiad, wagi rin sa Sinquefield Cup sa Saint Louis, Missouri sa Amerika, at London Chess Classic upang maging kabuuang kampeon ng Grand Chess Tour 2016.
Si So, na ipinanganak sa Bacoor, Cavite ay naglalaro na para sa US Chess Federation simula pa noong 2014.
ni John Bryan Ulanday