Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

8 tiklo sa drug den sa Maynila

WALONG hinihinalang sangkot sa droga ang na-aresto sa pagsalakay sa dalawang drug den sa Leveriza St., Malate, Maynila nitong Miyerkoles ng mada-ling araw.

Target ng nasabing magkahiwalay na operas-yon sina Myline Romero at Christopher Parayno.

Ayon kay S/Insp. Dave Garcia, hepe ng Malate Police Station anti-illegal drugs unit, sina Romero at Parayno ay naaresto makaraan bentahan ng P200 halaga ng shabu ang isang pulis sa Leveriza St.

Ayon kay Garcia, sina Romero at Parayno ay kabilang sa drugs watchlist at ginagamit ang kanilang bahay bilang drug dens.

Naaresto rin ang ina ni Romero na si Hilda dahil sa tangkang pagpigil sa mga pulis na arestohin ang kanyang anak.

Kabilang sa naaresto sina Gilbert Veray, Criselda Cabanto, Eduardo Papaya, Bernie Javier at John Bell Padilla. (LEONARD BASILIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Leonard Basilio

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …