NAGKAROON ng emergency meeting ang pamunuan ng Metro Manila Film Festival committee (MMFFC) at Metro Manila Development Authority (MMDA) kahapon dahil sa pag-atras daw ng Star Cinema na ipalabas ang Vince & Kath & James ngayong Disyembre 25.
Hindi raw nagustuhan ng Star Cinema ang inanunsiyo ni Chairperson Liza Dino ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) na bigyan ng 30 percent discount sa ticket prices ang senior citizens, PWDs (Person with Disabilities), at mga estudyante.
Mga estudyante ang target audience ng Vince & Kath & James kaya malaking kabawasan ito sa kita ng Star Cinema na malaki rin ang nagastos sa pelikula ninaJoshua Garcia, Julia Barretto, at Ronnie Alonte.
Okay na raw sana ang 20 percent discount para sa senior citizen pero ‘yung gawing 30 percent ang mga sa estudyante ay malaking kabawasan na sa kikitain ng pelikula at hindi lang naman daw ito patungkol sa Vince & Kath & James kundi sa lahat ng pelikulang ipalalabas sa Disyembre 25 o MMFF entry.
Tiyak na mas apektado ang indie films na walang masyadong malaking hatak sa takilya na mababawasan pa sila ng 30 porsiyento.
Sana raw naisip itong mabuti ng pamunuan ng MMDA o kung sinuman ang nag-suggest na magbigay ng 30 percent ngayong festival.
Hindi malinaw sa amin kung pumayag ang producers sa bagong patakarang ito ngMMFF na nagkaroon ng meeting noong Linggo dahil walang binanggit ang aming kausap.
Nakakaloka ang MMFF 2016, puro kontrobersiya ang inabot.
Sinubukan naming tawagan ang Star Cinema executives pero hindi kami sinasagot hanggang matapos naming tipahin ang balitang ito.
Tsinek namin ang IG post ng publicity manager ng Star Cinema na si Mico del Rosario pero wala naman siyang violent reaction sa isyu bagkus ay nag-post pa siya ng poster ng pelikula nila at may caption na, ”Meet & Greet the cast of Vince & Kath & James at Nbs Trinoma and Nbs Sm Manila. Buy the book to join the event. 150 pesos only. Registration opens at 12pm! #VinceAndKathAndJames #FAMaskongPasikLOVE.”
Any feedback Star Cinema?
Sinabi naman ni Direk Perci Intalan na, ”alam ko idini-discuss pa nga ‘yan now. But yes nasabi na namin ang opinion and concerns namin. Maganda ‘yung intention, marami lang talagang considerations, kailangan mag-agree hindi lang kaming producers kundi pati cinemas. Inaabangan namin ang magiging resulta ng meeting ng execom.”
FACT SHEET – Reggee Bonoan