Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bubuo ng Pinoy Boyband Superstar, malalaman na

MAGKAKAALAMAN na sa Sabado at Linggo, Disyembre 10 at 11, kung sino-sino sa natitirang pitong singing heartthrobs ang bubuo sa unang tunay na Pinoy boyband sa nalalapit na pagtatapos ng Pinoy Boyband Superstar.

Lima lamang ang mapipili mula kina Ford, Joao, Mark, Niel, Russell, Tony, at Tristan sa The Grand Reveal na sa huling pagkakataon ay  patutunayan nila ang kani-kanilang sarili sa superstar judges at mga tagahanga. Puno rin ng sorpresa ang finale dahil ilalantad na rito ang pangalan ng mabubuong boyband, at mapakikinggan din sa kauna-unahang pagkakataon ang kanilang first single.

Sa Sabado, hahatiin sa dalawang pares at isang trio ang pitong heartthrobs. Bago matapos ang gabi, mapapangalanan na ang unang miyembrong bubuo sa boyband na makakukuha ng pinakamataas na combined scores mula sa boto ng publiko at boto ng superstar judges na sina Vice Ganda, Sandara Park, Yeng Constantino, at Aga Muhlach.

Ipe-perform naman ng natitirang anim na hopefuls ang kani-kanilang do-or-die songs sa Linggo. Mula muli sa mga boto ng publiko at judges, kukunin ang apat na miyembro na kukompleto sa boyband.

Ang limang mananalo sa Pinoy Boyband Superstar ay isa-isang makatatanggap ng exclusive contracts sa Star Magic, recording contracts sa One Music, Yamaha motorcycles, at P5-M cash.

Tutukan ang two-day finale at iboto ang inyong mga kanya-kanyang paborito sa pamamagitan ng text at o online via Google. Para bumoto, i-text ang BB (space) PANGALAN NG CONTESTANT at ipadala sa 2366. Isang boto lang ang tatanggapin bawat SIM card. Para naman bumoto online, i-Google ang “PBS VOTE” at pindutin ang unang link na lalabas. I-click ang larawan ng iboboto mong grand finalist at pindutin ang “submit vote” na button. Isa vote kada Google/Gmail account lang ang tatanggapin. Hintayin lamang ang hudyat ng host na si Billy Crawford sa Sabado at Linggo bago bumoto.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …