Monday , December 23 2024
NAIA arrest

Babaeng Russo huli sa Cocaine

ISA pang dayuhan ang naaresto sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 3 nang tangkaing magpuslit ng cocaine sa bansa, ayon sa Bureau of Customs NAIA kahapon.

Kinilala ni NAIA Customs District III  Collector Ed Macabeo ang suspek na si Anastasia Novopashina, 32, inaresto makaraang matagpuan ng mga Customs examiner ang ilegal na droga sa kanyang bagahe.

Batay sa kanyang travel record, si Novopashina ay dumating noong Lunes ng hapon mula Sao Paolo, Brazil via Dubai lulan ng Emirates Airlines flight EK332.

Nakuha sa kanyang tatlong jacket, sleeping bag at backpack ang mga cocaine na naamoy ng mga aso habang nasa conveyor ang mga bagahe.

Hindi pa madetermina ang aktuwal na timbang ng droga dahil kinailangan pang ibabad at ihiwalay ang cocaine sa mga fiber na pinagkapitan na gamit ng babae.

Nasa pangangalaga na ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) si Novopashina para sa kaukulang disposisyon.

Nagsasagawa ng follow-up investigation ang mga awtoridad upang malaman kung sino ang kontak ng Russian sa Filipinas. ( JSY )

About JSY

Check Also

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *