Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ako lang ang kilala ni Ellie na daddy niya — Jake Ejercito

ISA si Jake Ejercito sa special guest ni Michael Pangilinan sa birthday free concert nito na ginanap sa Rajah Sulayman Open Park noong Sabado, Nobyembre 26.

Ayaw sanang magpa-interbyu ni Jake dahil tahimik na raw ang buhay niya ngayon, wala nang intriga.

Sabi namin na update lang kung paano niya ipinakilala ang anak na si Ellie sa amang si Manila Mayor Joseph Ejercito Estrada.

Noong nakaraang Oktubre 31 ginanap ang pagkikita ng mag-lolong sina Erap at Ellie sa Tagaytay City.

Kuwento ni Jake, “It was unplanned, we were in Tagaytay ‘coz it was All Soul’s and All Saint’s Day and it calls perfect time, it just happened. My dad was there and Ellie and I followed.”

Noon pa raw sana naipakilala ni Jake ang anak sa ama, pero wala pa sa tamang panahon.

“Better sana before pa (nang malaman ni Jake na siya ang ama), but you know, it calls perfect time.”

Sobrang saya raw ng buong mag-anak, “it was tears of joy for everyone, I felt very relieved eventually Ellie about to meet her grandfather, her daddy lolo. That what she calls daddy lolo. Very relieved and happy, finally. So it’s a good Christmas for us for the family.”

At ngayong publicly open na ay paano ang schedule ni Ellie ngayong holiday season, “we (Andi Eigenmann) haven’t talk, but I got to borrow her, once in a while, I think the last time she was with me was the day before her birthday,” kuwento ng proud dad ng bagets.

Wala naman daw problema si Jake kapag gusto niyang makita ang anak at puwedeng hiramin, “she does (Andi) as much as I want to, she does.”

Noong Nobyrembre 23 ang kaarawan ni Ellie at magkasama raw sila ng anak, “actually, the day itself, (November 23), si Ellie nag-celebrate sa school niya, kindergarten, so I just went there. Spontaneous na lang ‘yung joy ride were on our way home, nangyari na lang. But I’m throwing her a party next Saturday (December 3) at home lang. Small party lang for the family and friends.”

Anong klaseng ama si Jake ngayong nalaman niyang siya nga ang ama ni Ellie, “eversince naman since Ellie was born, I was there for her, I was her father-figure even before I found out, ako lang ang kilala ni Ellie na daddy niya. I’m the only one she calls dad,” kuwento niya.

Kaya ang madlang pipol na ang magsabi kung anong klaseng ama nga si Jake kay Ellie.

Pinansing kamukha pala ni Jake ang anak, “kaya maganda, ha, ha, ha,” pabirong sabi ng tatay ni Ellie.

At nakuha na raw ni Ellie ang regalo niya para ngayong Pasko, “I think, she already got it, meeting her grandparents. Were happy to say that this Christmas will be complete. My mom (Laarni Enriquez) was the happiest,” sabi ni Jake.

Samantala, ang pinaplano rin naman daw ni Jake na makasama ang anak sa ibang bansa, “as of now none yet, but eventually sa Disneyland, Hongkong of course,” nakangiting sabi ng daddy ni Ellie.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …