Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Dingdong Dantes may regalo

SUCCESSFUL ang plano nina Dingdong Dantes at Marian Rivera na intimate celebration para sa 1st birthday ng kanilang unica hija na si Baby Zia.

Ayon sa mag-asawa, ito ang pinakagusto nilang regalo para sa anak dahil mas maipaparamdam nila ang quality time. Pero ayon sa post ng Kapuso Primetime Queen, hindi lang pala si Baby Z ang nakatanggap ng regalo mula kay Dingdong kundi pati siya mismo.

Sa post ni Marian, isang painting ng photo nila ni Zia ang iniabot ng Alyas Robin Hood lead star after ng kanilang celebration.

Sa caption, ibinahagi ni Marian na: “‘Hinding- hindi ko nakalilimutan ang sakripisyo mo para sa anak natin. I am so proud of you! I appreciate your efforts very much!’” Iyan ang litanya ng asawa ko bago niya ibinigay ang painting na ‘yan sa akin kanina lang pagkauwi namin from Tagaytay. Mahal, salamat sa regalong ito. Sobrang naantig mo ako.”

JANINE GUTIERREZ,

BOXING ANG BAGONG

KINAHIHILIGAN

We love how Kapuso actress Janine Gutierrez is taking care of herself. Recently, nakita namin sa Instagram feed niya ang isang photo na naka-side-by-side siya sa isang punching bag. This shows how disciplined and adventurous she is to try a lot of new things good for herself.

Kaya naman sa pagbida niya sa first-ever interactive rom-com series ng GMA na Usapang Real Love presents Relationship Goals kasama si Aljur Abrenica, excited kaming makita how she has evolved as an artist.

Huwag natin itong palampasin, mga Kapuso dahil sure kami na kakaibang Janine at Aljur ang magpapakilig sa inyo every Sunday afternoon simula November 27.

GLAIZA DE CASTRO SUMUSUKO

SA KASAMAAN NI PIRENA?

Marami ang naiinis sa kanya dahil napakasama raw niya sa Encantadia.

Pero kung titingnan sa kanyang recent post sa Instagram, parang ayaw na ni Glaiza de Castro na ipagpatuloy ang pagiging kontrabida sa iconic telefantasya ng GMA na Encantadia na gumaganap siya bilang si Sang’gre Pirena.

Malayo kasi sa personalidad ni Glaiza si Pirena, kaya nang mabasa raw niya ang isang script nila para sa isang eksena, tila nakararamdam siya ng pagkalungkot dahil nare-realize niyang napakasama talaga ng kanyang role.

Aniya, “Naluha ako no’ng binasa ko ‘yung eksenang to.”

Sign na kaya ito na malapit nang manumbalik ang pagmamahal ni Pirena para sa kanyang kapatid?

‘Yan ang dapat nating abangan.

ADDY RAJ AT BARBIE FORTEZA

NAGSISIMULA NANG

MAGPAKILIG ONLINE!

Hindi pa man nagsisimula ang kanilang GMA Telebabad series na Meant To Be, nagsimula nang pakiligin nina Barbie Forteza at Addy Raj ang mga netizens dahil sa kanilang posts.

Si Addy, super proud na ipagmalaki ang behind-the-scenes photos nila ni Barbie. Ayon sa kanilang fans, bagay daw talaga ang dalawa! Naku, paano na sina Ken Chan, Jak Roberto at Ivan Dorschner? Magpapatalo ba sila?

We should watch out for that!

BACK TO BACK – Pete Ampoloquio, Jr.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pete Ampoloquio Jr.

Check Also

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …